“Dito, má..” saad niya nang igiya ang ina sa hindi okupadong silid. Kasunod nito ang katulong na may dalang maliit na maleta. Pinasadahan ng tingin ng kaniyang ina ang kabuuan ng kwarto. “Maganda, gusto ko ang interior design. May taste ang gumawa nito..” Naupo si Francesca sa malambot na kama. “Dati raw itong kwarto ng lola ni Javier..” “Ganoon ba?” Nabasa niya ang mga mata ng ina. Napangiti siya. “Biro lang, má..” Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapahagikhik sa harap nito. “Matatakutin ka pala, má?”“Ikaw talagang bata ka, pinagloloko mo ako..” Maluwang ang kaniyang ngiti. “Ito naman si Mamá, hindi na ako bata, ano? Maiba ‘ko, má, kumusta si Alona?” Tumabi ito sa kaniya. “Nakaalis na kanina pang umaga..”“Talaga? Hindi tuloy ako nakapagpaalam. Akala ko mamayang gabi pa ‘yung flight niya.” “Nagbago dahil dun sa nangyari sa France, nagkaroon ng problema sa darating na competition,” sagot naman nito.“Yung totoo, kumusta ang sitwasyon ninyo ng asawa mo? Hindi ba kayo p
Huling Na-update : 2025-09-23 Magbasa pa