“Good morning, sir..” bati sa kaniya ni Laviña nang makipag-shake hands. “Good morning,” tugon naman niya nang maupo. “How's the company?” “Improving. Sa katunayan, mas lumakas ngayon ang hatak ng sales sa mga urban areas lalo na sa Georgia.” Tiningnan niya ang datos. “Good..” Tumango siya. “Ikalat mo pa sa ilang mga bayan at lungsod. At kapag tumaas pang muli ang sales, i-try mo hanggang sa kabilang kontinente.” “Yes, sir.” “Here's the files. Hindi na ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin at makaka-meeting na new client.” Tumayo na siya. Matapos marinig ang huling tugon ni Laviña, kaagad na siyang lumabas ng resto. Niluwagan niya ang necktie. Nang matulin nang pinaandar ng kaniyang driver ang sasakyan, napatingin siya sa cellphone nang matanggap ang footage na kaniyang hinihingi. Napakunot ang kaniyang noo. Pamilyar sa kaniya ang kilos ng lalaki kahit pa naka-disguise ito. Napaisip siya nang malalim. ‘Si Uncle Rod, pero.. ano ang kailangan niya? Bakit hindi
Last Updated : 2025-09-12 Read more