May kung anong hindi maipaliwanag si Francesca sa kaniyang naramdaman nang magtama ang kanilang paningin ng babaeng iyon. Nagagandahan ba siya? Bakit tila pamilyar, nakita na ba niya ito? Wala siyang maisagot sa sunud-sunod niyang katanungan.‘Ang babaeng iyon..’ Mariin siyang napapikit habang pilit na iwinawaglit sa isipan ang malaanghel nitong mukha.“Oh, hi..” Nakangiting tumayo at sumalubong si Ariella sa kanila nang makapasok na sila ng office. Ngumiti na rin siya nang makipagbesohan rito. Ibinaling nito ang pansin sa pamangking si Lewis. Matapos makausap ang bata ay naupo na ang kaniyang anak sa sofa na sinundan naman kaagad ni Delta. “Tamang-tama, Javier, you came here on time. Ikaw na ang mag-close ng deal kay Ms. Natasha Collins,” wika nito. Napatitig siya kay Ariella.“Natasha?” kunut-noo niyang tanong na ikinataka naman ng mga ito. Bahagyang ngumiti kasabay ng pag-iling ang kapatid ni Javier. “Yes, she's our new investor from France. The famous owner of popular Shan Cos
Last Updated : 2025-08-25 Read more