Third...
Tuluyan na ang kaguluhan na naganap dahil sa video na patuloy sa pag-play. Nagsisigaw na si Michelle na patayin ang projector. Galit na galit. Cassian signaled next to Nikias. Pinapatigil na niya ang video. Sapat na ang naganap. May isa pa siyang kailangan gawin at iyon ang mas importante. Tiningnan niya si Ember. “How could you do this to my daughter?!” galit na sabi ni Michelle at sasampalin sana si Cassian, na napigilan mismo nito nang hawakan ang braso niya at itulak siya. Napaatras siya at muntik matumba kung hindi siya nasalo ng asawa. “Dominic!” masama ang loob niyang tumingin sa mister. Humihingi ng tulong para sa kanila ni Lauren. “Are you not going to do something?!” “Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa…” usal ni Dominic at puno ng hinanakit ang boses para kay Cassian, “pero kung akala mo pababayaan ko ang ginawa mong ito sa anak ko ay sinasabi ko sa ‘yo na kahit kaibigan ko ang ama mo ay—”“Pakialam ko,” kalmadong putol ni Cassian sa sinasabi ni Dominic Villareal.
Napatitig si Giancarlo sa ina. Puno ng pagbabanta ang boses nito. Bihira lang magalit ang mama niya. Kaya nga nang mamatay ang papa niya ay siya na ang nag-manage ng Creed ay dahil alam niyang hindi kakayanin ng ina ang mamuno. Melanie was so soft-hearted at kung walang nakakaalam na asawa ito ng isang mafioso ay hindi iisipin na may madilim na itinatago ang katauhan nito. Nang tawagin ng emcee si Cassian ay napatingin ang lahat dito. Lahat ay sinundan ang paglalakad nito papuntang stage at naghihintay sa gagawin nitong proposal na idinaan pa sa marangyang okasyon. “And why Lauren so positive na sasama ang loob ni Ember after the stupid proposal of that man?” muli ay naisip itanong ni Melanie habang ang mga mata ay nakatingin kay Cassian. “Mukha naman naka-move on na ang kapatid mo…” Sinulyapan niya si Ember, ang mga mata nito ay nakatutok din sa dating asawa. Napakunot-noo si Melanie. Parang may mali siyang napansin bigla. Ang mga tingin ni Ember sa asawa, walang sama ng loob doo
Si Melanie ay kanina pa nakatingin kay Ember at paminsan-minsan kay Michelle. Gusto niya na pumunta sa makeshift stage at agawin ang mikropono sa emcee para ipaalam ang sadya niya. Iyon ang plano niya pagpasok pa lang pero sinabi ni Giancarlo na huwag. Mamaya na raw siya umeksena kapag nakuha na nito si Ember. Nagtalo pa sila ng anak kanina at binalikan niya sa isip ang mga pinagtalunan nila sa hotel bago pa sila pumunta sa engagement party nina Cassian at Lauren…“Anong kapag nakuha mo na si Ember?” tanong ni Melanie sa anak na panganay. Kunot-noo at may galit sa mga mata niya dahil sa narinig na ipinupunto ng anak na plano nitong gawin mamaya. “Ember is my target tonight, Mama…” amin ni Giancarlo. “Siya ang gustong ipaligpit sa akin ni Lauren.”“And why Lauren wanted that?” horrified na tanong ni Melanie. “Bakit niya pinag-isiipan ng masama ang kapatid mo?!”“Lauren is crazy to be wife of Cassian, ang ex-husband ni Ember. Ang gusto ni Lauren ay mawala sa landas nila ni Cassian nang
Tahimik lang si Cassian. Tahimik na nakikinig sa mga nakakairitang sinasabi ni Lauren.Si Ember ay pilit ang matamis na ngiti na ibinigay para kay Lauren. Ramdam niya na hindi natuwa si Cassian sa mga sinabi niya tungkol kay Adrian, na parang sinabing ang kaibigan ang palaging nasa tabi niya kaya appreciated niya. But who cares? Pasalamat na nga lang ang asawa sa isip niya na ahit kanina pa siya naiinis sa mga sinasabi ni Lauren ay makiki-ride on pa rin siya sa kung anong plano nito. “Siguro mabuti pang dalhin mo na sila sa table nila, Lauren…” ani Cassian at inalis ang braso ni Lauren na nakakapit sa kaniya. “The event will start any minute, so you don’t need to talk much to the guests,” dagdag niya sabi kay Lauren sabay talikod para iwan ito. He pulled out his phone from his pants and typed messages for Ember. CASSIAN: Just let Lauren’s bitchiness slide… Ako na ang bahala d’yan mamaya.EMBER: Gusto ko siya sampalin kanina pa. Pasalamat siya at naalala ko pa na fiancee mo nga pala
“Kung iniisip mong problema ko ay mga kung sinong nakikilala ko na baka hindi ako narespeto ay nagkakamali ka…” mahina ang boses na wika ni Melanie kay Giancarlo pagkaupo pa lang nila sa sofa na nasa lobby ng hotel. “I need you here for you are the only one I know who could crash a party as you please…” patuloy niya. “And at this moment ay may party tayong pupuntahan kung saan naroon ang kapatid mo at ang kinilala niyang ina na nang-api sa kaniya.” “Kaptid ko?” medyo gulat na turan ni Giancarlo. Tumango si Melanie, “Yes, you heard me right. Ang kapatid mo nga.”“So, you found her?” tanong ni Giancarlo. Pagkaklaro. Years ago, nang mamatay ang ama ay doon lang niya nalaman ang sikreto ng ina. Nag-iisang anak lang siya sa akala niya. Sa ama ay oo iisa lang siya, but in his mother side ay may kapatid pala siya. Nagtaksil ang ina sa ama, noong una ay gusto niyang ikasama ng loob ‘yon. But, reading the diary of his mother, the regret and agony in every word his mother put on her words, d
Engagement party…Kanina pa nakangiti si Lauren habang binabati ang mga bisitang pumapasok sa bulwagan. Masyadong pinaganda ni Willow ang engagement party nila ni Cassian, kahit saan siya lumingon ay luxury lang ang salitang maiisip niya. Napahawak si Lauren sa bracelet na suot. Napangiti. Mula pa kanina nang makita ni Cassian na suot niya iyon ay nakangiti na ito. Mukhang tuwang-tuwa na nakita siya ulit suot ang bracelet. Madami na ang dumating pero hindi pa nakikita ni Lauren si Ember. “Nakarating ba ang invitation kay Ember?” tanong niya kay Michelle nang lapitan niya ito. “Oo…” tugon ni Michelle. “Ako mismo ang naghatid sa kaniya. Nakita ko pa tuloy ang mga auntie niyang mga kontrabida sa buhay ko noon.” Kasunod ay hinanap ni Lauren si Cassian. Nilapitan nang makita itong kasama ng magkakapatid na Ivanov na sina Mathias, Nikias, at Willow. “Baka gusto mo akong samahan i-welcome ang mga guest…” ani Lauren kay Cassian. “Sige lang…” wika ni Cassian. “Ikaw na ang bahala…” aniya