Share

0096

Penulis: Eve Angeline
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-01 15:16:25

Tahimik lang si Cassian. Tahimik na nakikinig sa mga nakakairitang sinasabi ni Lauren.

Si Ember ay pilit ang matamis na ngiti na ibinigay para kay Lauren. Ramdam niya na hindi natuwa si Cassian sa mga sinabi niya tungkol kay Adrian, na parang sinabing ang kaibigan ang palaging nasa tabi niya kaya appreciated niya. But who cares? Pasalamat na nga lang ang asawa sa isip niya na ahit kanina pa siya naiinis sa mga sinasabi ni Lauren ay makiki-ride on pa rin siya sa kung anong plano nito.

“Siguro mabuti pang dalhin mo na sila sa table nila, Lauren…” ani Cassian at inalis ang braso ni Lauren na nakakapit sa kaniya. “The event will start any minute, so you don’t need to talk much to the guests,” dagdag niya sabi kay Lauren sabay talikod para iwan ito. He pulled out his phone from his pants and typed messages for Ember.

CASSIAN: Just let Lauren’s bitchiness slide… Ako na ang bahala d’yan mamaya.

EMBER: Gusto ko siya sampalin kanina pa. Pasalamat siya at naalala ko pa na fiancee mo nga pala
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Nimpha
more more more update please madam madam Ang ganda
goodnovel comment avatar
Rubylyn Ayson
more update miss a......nakaka excite ang story na to.sana miss a my update kna rin kay zyla at austin.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Now He Wants Me Back   0124

    “Hahayaan na lang ba natin siya, boss?” tanong ng isang tauhan ni Leonard sa kaniya habang pinapanood ang mga kaganapan sa labas ng ospital. Marami nang patay na tauhan nina Mathias at Nikias ang makikita sa paligid. Leonard grinned. Hindi basta mapapasok ni Lauren ang ospital kung ito lang mag-isa, of course tumulong ang mga tao niya. Kagaya ng pangako niya. “She needs to do it alone…” mapanganib at malamig na tugon ni Leonard. Ang totoo ay ayaw ni Leonard madamay. Sakaling mabulilyaso ang gustong gawin ni Lauren ay mas okay na ito lang ang magkaproblema. Ayaw niyang madawit ang pangalan niya sakaling mahuli ito ng mga pulis na siguradong mangyayari. “Hindi ko hahayaan maikonekta sa akin si Lauren. Mainit pa sa mga balita ang nangyari sa simbahan kaya hindi tamang maiugnay sa ginawa natin doon ang kamatayan nina Cassian at Ember,” patuloy ni Leonard paliwanag sa tauhan niyang kanina pa takang-taka kung bakit si Lauren lang ang kailangan pumasok sa loob ng ospital at tumapos sa mag

  • Now He Wants Me Back   0123

    Alas kuwatro ng madaling araw. Ang ospital ay tila tulog, maliban sa mga nurse na nagroronda. Ngunit mula sa likod ng emergency exit, isang maliit na ingay ang umalingawngaw—tunog ng kandadong marahang binubuksan. Si Lauren iyon. Nakapasok siya ulit, dahan-dahan, maingat. Nakasuot siya ng puting coat ng nurse, at sa unang tingin, hindi siya mapapansin. Pero ang kanyang mga mata, malamig, nakatutok sa iisang direksyon: ang ICU kung saan naroon si Ember. Habang naglalakad siya, nakasalubong niya ang isang nurse. “Miss, hindi ba dapat sa kabilang wing ka naka-assign?” tanong ng nurse. Ngumiti si Lauren. A wicked and dangerous smile. Bago pa makapagsalita ang babae, mabilis na tumarak ang scalpel sa tagiliran nito. Tahimik na bumagsak ang nurse, at itinabi niya ang katawan nito sa isang storage room. Wala man lang narinig ang iba. “See that, Ember,” bulong ni Lauren. “Gan’yan din ang ending mo mamaya…” ********* Biglang napatayo si Ember. “Cassian… may mali.” Tumingin si Cassian, a

  • Now He Wants Me Back   0122

    Sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng madilim na kalsada, ay may isang babaeng nakaupo, nakasuot ng mahabang coat. Si Lauren.“Hindi niyo ako tuluyang maitatapon,” bulong niya habang sinusundan ng tingin sina Cassian at Ember na palabas ng ospital. Mahina lang ang boses niya pero puno ng galit. Nakangising sinundan niya ng tingin ang dalawa. Sa kanyang isip, malinaw ang plano na huwag muna siyang aatake. Hayaan muna niyang matakot si Ember, hayaang lamunin ng paranoia at takot ang bawat segundo ng kanyang pagkatao.“Soon, Ember,” bulong niya. “I’ll take everything away from you. Cassian, your family, your life. At ako ang huling mukhang makikita mo bago ka mawala.”Ngumiti si Lauren. Sa kanyang mga palad, nakapulupot ang manipis na lubid at isang maliit na kutsilyo. Sa kanyang bulsa, may nakatuping sulat—isang peke, na nagsasaad na nagpakamatay siya sa tulay. Isang papel na papaniwalaan ng mundo. Kagaya ng sabi ni Leonard ay iyon ang kalayaan niya. Wala nang

  • Now He Wants Me Back   0121

    Tahimik ang bawat segundo sa ospital, tila ba ang mismong orasan ay pinipilit pigilan ang pag-ikot. Ang mga ilaw sa hallway ng ICU ay malamlam pa rin, nagbibigay ng malamig na kulay sa mga dingding na tila ba nakikiramay din sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat pag-ugong ng air-conditioning at sa bawat beep ng mga makinang nakakabit kay Giancarlo, ang puso ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay muling pinapaalalahanan na ang buhay niya ay nakabitin lamang sa manipis na sinulid.Nakaupo si Ember sa bench, yakap-yakap ang rosaryong ilang ulit na niyang dinaanan ng dasal. Paulit-ulit, walang humpay, na para bang ang bawat Hail Mary ay magsisilbing gamot na magbabalik sa kapatid niya mula sa bingit ng kamatayan. Paminsan-minsan, titingala siya sa pintuan ng ICU, umaasang lalabas ang doktor na may dalang mabuting balita. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, ang katahimikan ay lalong sumasakal.Si Cassian, laging naroroon sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Ramdam niya ang pangingini

  • Now He Wants Me Back   0120

    “Twenty-four hours daw ang pinakamahalaga…” mahinang bulong ni Ember, halos wala nang lakas. “Paano kung hindi kayanin ng katawan niya, Cassian? Paano kung—”Inikot ng tingin ni Ember ang hallway ng ospital ni Adrian. Wari ay naging kulungan ang bawat sulok ng hallway sa pakiramdam niya. Ang mga fluorescent light na normal na malamlam ay parang nag-aalangan na manatiling bukas. Maging ang tunog ng mga makina mula sa ICU na tanging pumupunit sa katahimikan ay parang lahat nananakot kay Ember. Sa loob, nakaratay si Giancarlo, halos wala nang malay, habang sa labas ay nagpupumilit ang kanyang pamilya na kumapit sa pag-asa.Nakaupo si Ember sa gilid ng bench, yakap-yakap ang rosaryo na iniabot ng ina. Ang mga daliri niya’y nanginginig, bawat dasal ay halos pabulong, paulit-ulit, para bang kung titigil siya kahit saglit, tuluyan nang bibitaw ang kanyang kapatid. Sa tabi niya, si Cassian ay hindi na bumitaw mula sa kanyang balikat, marahang hinahaplos ang buhok ng asawa.Hinawakan ni Cassian

  • Now He Wants Me Back   0119

    Kinabukasan…Tahimik ang kuwarto ng mental hospital. Ang puting dingding ay malamig, walang laman maliban sa kama, maliit na mesa, at bintanang may rehas. Doon, nakaupo si Lauren, nakatitig sa hawak niyang matalim na piraso ng salamin mula sa basag na frame ng larawan. Ang mga daliri niya ay nanginginig, ngunit ang mga mata—hindi baliw, kundi puno ng malinaw na determinasyon.Sa labas ng pinto, dalawang nurse ang nag-uusap.“Dapat bantayan si Lauren Moretti. Napaka-delikado ng kondisyon niya,” sabi ng isang nurse.“Oo, pero wala na siyang laban. Parang wala nang pag-asa pang gumaling,” tugon ng kausap nito. Napangiti si Lauren, mapait at mapanlinlang. ‘Oo, isipin niyo na lang na baliw ako. Isipin niyo na lang na tapos na ako. Mas madali para sa akin ang makawala.’Dahan-dahan niyang nilapit ang piraso ng salamin sa pulso niya. Huminga siya nang malalim at bigla niyang hinagod ang balat—sapat para magmukhang malalim at duguan. Sumirit ang dugo, kumalat sa malamig na sahig. Kaagad siyan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status