Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, hindi naiwasang mapunta ang usapan sa mas seryosong bagay. Gustuhin man ni Love na umalis para kahit papaano ay gumaan ang tensyon, nanatili siyang walang imik. Kung aalis siya, baka masabihan pa siyang bastós lalo na't katabi niya ang isang prinsipe. “So, Kael,” panimula ni Nicole habang nagbabalat ng prutas, “I heard you’ve been traveling a lot because of… business matters?” Ngumiti si Kael, tipong ngiting nakakatunaw, mala prinsipe talaga, kagalang-galang. “Yes. Partly business, partly duty. Being a prince means I carry certain responsibilities even beyond my land.” Napatingin agad si Razen, halatang nayayabangan na sa lalaki kahit wala naman kayabang-yabang sa sinabi nito. “Business? We all know that dude. But if you're planning to stay here for a while, nah, hard work is." Natahimik ang lahat. Si Love, hindi alam kung paano sasayawin si Razen sa tono ng pananalita nito. Hindi niya alam bakit parang inis na inis siya kay Kael. Ano
Terakhir Diperbarui : 2025-08-20 Baca selengkapnya