Tulala akong napatingin kay Kael nang marinig kong um-oo si ate at kapag daw hindi ko sinunod, uuwi siya kaya wala akong choice kundi sumunod na lang kahit ayoko.“O-Opo, ate. Sasabihan ko na lang po siya,” sabi ko at mabilis na nilihis ang tingin nang lumipat ang tingin sa akin ni Kael. “Pero paano kung hindi pumayag?”“Let me talk to him,” saad ni Ate Lylia, gustong maniguro na papaya si Kael. Wala na talaga akong takas. Sa ayaw at sa gusto ko, masusunod si ate. “Lira? Are you still there?”“Ah, opo, ate. Ibibinigay ko na po itong phone kay K-Kael,” hininaan ko ang pagsambit sa pangalan niya at baka marinig pa ng mga kasama namin although hindi ako sure kung alam na ba nila ang totoo nitong pangalan. Iniabot ko sa kanya ang phone. “Si ate, gusto kang kausapin.”Tinanggap niya ‘yon at lumayo. Habang nakikipag-usap siya, hindi ako makatagal ng tingin sa kanya. Hindi ba naman inaalis ang tingin sa akin tapos ang mas nakakainis, pangiti-ngiti pa siya, bwisit!Aliw na aliw? Kung sikmuraa
Huling Na-update : 2025-10-12 Magbasa pa