“Congrats, Lira!” “Congrats, Kael!” “Congrats, newly wed couple!” “Congrats, buntit and to the happy husband na kanina pa nakangisi!” Ilan lang ‘yan sa mga bumati sa amin at ako nangangalay na ang panga kakangiti. Si Kael nagpaalam muna sa akin sandali na pupuntahan niya ang pamilya, pinsan na mga lalaki na kanina pa siya tinatawag. Umupo ako sa tabi ng wooden table dahil pakiramdam ko umiikot na naman ang paningin ko, pati sikmura ko. Ang daming tao. Hindi ko kilala ang ilan lalo sa side ni Kael. Iyong iba naka-royal outfit. Halo na talaga. I expected na family and friends lang, pero ako ‘yong nasupresa no’ng nasa aisle na ako. Iyong gifts sa tabi, gabundok sa dami. At pagkain? Halo rin, pang royalty at pang normal na katulad namin. Okay lang naman sa akin na maraming dumating, hindi ko lang talaga inaasahan, and I’m not mad about it. Nahihilo lang ako sa dami and sa amoy. I’m not saying na mabaho ah, pero ewan ko ba sa pang-amoy ko. Napaka-sensitive, eh hindi naman ako ganito
Last Updated : 2025-12-04 Read more