Share

Chapter 204

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-09 14:33:44

NAKAPAMULSA si Weston habang pinagmamasdan lang ang aligagang si Katrina sa kaliwa’t kanan nitong utos sa mga staff ng hotel at sa wedding coordinator na siya mismo ang kumuha para mag-ayos ng venue ng kanilang kasal kinabukasan.

Para itong dragon na nagbubuga ng apoy kapag nagkakamali ang mga inuutusan, ni hindi man lang marunong magtimpi ng galit. Napailing-iling na lang siya. Pagnakaalis na sila mamaya, saka naman darating ang mga inutusan niyang tao na mag-setup ng mga hidden camera sa labas at loob ng hotel. Nang sa ganoon, ay mabantayan nila ang mga kilos ni Bastian at ng mga tauhan nito bago pa man ito makapasok ng naturang hotel.

At wala na rin siyang magiging problema sa may-ari ng hotel na kaibigan niya, dahil nakikiisa ito sa plano niya na hulihin si Bastian. Lahat ng mga naroroon ngayon, simula sa mga staff at sa wedding coordinator, lahat alam ang plano niya. At ang pari na magkakasal sa kanila bukas? Peke iyon! At walang kamalay-malay ang pamilya ni Katrina na ang mangya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 210

    NAPANOOD ni Vivian sa TV ang balitang nangyaring pag-aresto kay Bastian. Nagawa niyang makapanood ng TV dahil nakalimutan nitong ikulong siya o itali. Kaya naman nagawa rin niyang malibot ang kabuuan ng ancestral house na pinagdalhan nito sa kanya.Siguro kaya ito nakalimot ay dahil sa pagmamadali. Well, ikinatuwa niya iyon dahil malaya siyang nakakagalaw at nakakakilos. Maaari rin siyang makatakas kung mag-iisip siya ng plano.Hindi naman siya nabigla sa napanood sa pagkakaaresto kay Bastian dahil alam naman niyang isa itong masamang tao at maraming illegal na trabaho, ang ikinabigla lang niya, ay ang malaman na ito pala ang ama ng babaeng isa sa mortal niyang kaaway, kalaban at kaagaw pagdating kay Weston, si Katrina. At ang masaklap pa, ito rin pala ang ama ni Gerald dahil sa pananamantala sa ina nito noong kabataan.Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Dahil pinagparausan ng mag-ama ang kanyang katawan. Pero magkaganoon pa man, ngising aso pa rin siya dahil ginawang katawa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 209

    Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga sensitibong salita o tema kaugnay ng imbestigasyon, krimen, at mga operasyon ng mga ahensiyang tulad ng NBI, CIDG, at PNP.Ang lahat ng tauhan at tagpo ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad sa tunay na pangalan o pangyayari ay hindi sinasadiya.“Dad, please, tell me it’s not true!” malakas na sambit ni Katrina sa ama nitong halos hindi alam kung ano ang isasagot sa anak.Kasalukuyan na rin na nakatutok sa mga ito ang mga camera ng media, na kasalukuyan din na naka-live. Lihim siyang napangisi dahil nangyari na ang pinagpuyatan at pinagpaguran niyang plano.“Anak, haharapin ko lang sila, okay? Pagkatapos, ay makakauwi rin ako,” sagot ni Bastian sa anak.“May karapatan po kayong manahimik. Anumang inyong sasabihin ay maaaring gamitin laban sa inyo sa hukuman. May karapatan po kayong kumuha ng abogado. Kung wala po kayong makuhang abogado, ang pamahalaan ay maglaan para sa inyo,” pagpaptuloy ng NBI agent, hindi pansin ang nangyayaring

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 208

    Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga sensitibong salita o tema kaugnay ng imbestigasyon, krimen, at mga operasyon ng mga ahensiyang tulad ng NBI, CIDG, at PNP. Ang lahat ng tauhan at tagpo ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad sa tunay na pangalan o pangyayari ay hindi sinasadiya.NAKITA AT NARAMDAMAN ni Saskia na sinsero si Gerald sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa kanya. Kaya sino ba naman siya para hindi magpatawad? At least, gumaan ang pakiramdam niya dahil may isa na namang tao ang nagkasala sa kanya sa nakaraan na kusang lumapit at humingi ng tawad.Tinanaw pa niya ang mag-ina matapos magpaalam na uuwi na, dahil bukas ay hindi raw pwedeng mawala ang mga ito sa kasal nina Weston at Katrina, dahil kasama ang mga ito sa ginawang plano ni Weston.Siya naman ay maghihintay na lang sa muling pagbabalik ni Weston para pakinggan ang paliwanag nito sa mga nangyaring malabo sa kanyang pang-unawa.***WALANG TULOG si Weston sa halos buong gabi dahil sa pinaghahandaang p

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 207

    PARANG nakonsensiya naman si Saskia sa ginawang paninisi niya kay Weston kung bakit ito na-setup ni Katrina. Bumalik tuloy sa kanyang ala-ala ang ginawang pag-setup din sa kanya nina Gerald at Vivian noon. At alam niya ang pakiramdam ng hindi pinapaniwalaan.Siguro, marahil ay tama ito at si Jedrick. Kasi magkatugma ang mga ibinibigay nitong payo sa kanya. Ganoon din ang kanyang Mommy at Daddy. Wala naman sigurong masama kung pakikinggan niya ang mga paliwanag ni Weston sakali man na bumalik ito sa kanila. At sana, totoong hindi tunay ang magiging kasal nito kay Katrina, dahil hindi kakayanin ng kanyang puso kung magiging legal ang kasal ng mga ito.“I’m sorry, ate. Kung sinisisi ko pa siya sa nangyari. Alam mo naman, kinain ako ng galit at selos. Sino ba naman ang asawang hindi magagalit at magseselos sa nakitang hitsura nila roon sa video na ipinadala ni Katrina? At isa lang ang ibig sabihin niyon, mahal ko nga talaga si Weston, mahal ko ang kapatid mo, ate. At walang duda iyon,” na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 206

    KINAKABAHAN at halos hindi mapakali sa kinauupuan si Gerald dahil sa muli nilang pagkikita ni Saskia. Napansin naman iyon ng kanyang ina na katabi lamang niyang nakaupo sa mahabang sofa, kaya hinawakan siya nito sa kamay.“Anak, huwag kang kabahan, okay? Hindi naman bayolente at eskandalosang tao si Saskia. Alalahanin mo, ang ipinunta natin dito ay ang maipaalam sa kanya na ikakasal na si Weston kay Katrina bukas kahit pa alam naman natin na alam niyang may plano ang tito Weston mo sa likod niyon, at para maipaliwanag sa kanya na setup lang ni Katrina ang kung anumang nakita niya sa video. Dahil alam naman natin na hindi na magagawa pang makapagpaliwanag ng tito mo sa kanya dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Ito na lang ang natatanging paraan para makatulong man lang tayo sa tito mo, ‘di ba? At isa pa, hindi ba hihingi ka ng kapatawaran sa kanya? Iyon ang pinakamahalaga sa lahat,” sambit ng kanyang Mommy na pilit pinapagaan ang kanyang kalooban.Habang hinihintay nila ang paglabas ni

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 205

    HALOS MAGHAPONG umiyak nang umiyak si Saskia at nagkulong sa kanyang kwarto. Pero hindi siya iniwanan ni Jedrick. Ito rin ang nagsabi sa kanyang Mommy at Daddy nang magtanong ito kung ano ang ba ang nangyayari sa kanya dahil nga iyak siya ng iyak at hindi makausap ng maayos.At ang anak niya? Hayon, halos maghapong nakatambay sa tabi ng pintuan dahil hinihintay ang pagpunta ng kanyang lolo William at lola Diana pati na rin ni Weston. Pabalik-balik din ito sa kanyang silid para itanong kung bakit ang tagal naman dumating ng mga hinihintay nito.Pero puro hikbi at iyak lamang ang isinasagot niya rito. Kaya kinausap muna ito ni Jedrick na manatili muna sa labas at hintayin ang Daddy nito at ang lolo at lola, nang sa ganoon ay hindi siya maistorbo sa pag-iyak kahit na alam nitong hindi naman talaga darating sina Mommy Diana at Daddy William, pati na rin si Weston.“Kuya, ano kaya kung bumalik na lang ulit tayo ng U.S? Doon, masaya naman kami ni Wesley kahit wala ang Daddy niya, kasi, nari

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status