HUNTER'S POV “Sino ang nag-utos sa ‘yo para pagtangkaan ang buhay ng asawa ko?!” galit kong tanong sa lalaki. Umiling ito. “Wala!” sigaw ng lalaki na nakilala namin bilang Vincent Pasno na isang ex-convict na ngayon ay nagtatrabaho bilang isang pedicab driver at may asawa at dalawang anak na babae. “Hindi ka talaga aamin?! Eh, kung asawa’t anak mo ang ipagahasa ko?!” Sabay suntok ko ng malakas sa mukha ng lalaking nagtangka kay Nathalie. Hindi talaga ako titigil na mahanap ang nag-utos na pagtangkaan ang asawa ko sa mismong bahay ko pa. Hindi nila kilala ang binangga nila. “Sir, tama na po,” awat sa akin ng isang police. “Hayaan mo siya. Nawalan siya ng anak nang dahil sa gagong ‘yan,” sabi naman ni SPO2 Esmiller sabay tutok niya ng baril sa suspect. “Pero, Sir, baka ma-police brutality po tayo niyan. Tapos may kasama pa tayong hindi police,” katwiran ng lalaki. Ngumisi si SPO2 Esmiller. “Kaya papakainin ko na lang siya ng bala, at nang hindi na siya makapagsumbong,”
Last Updated : 2025-06-07 Read more