LIANA’S POVAng gabi sa London ay tila isang buhay na painting. Ang rooftop garden ng Ramirez Medical City ay nababalot ng isang uri ng karangyaan na tanging ang isang Ramirez lang ang makakagawa. Ang amoy ng sariwang peonies, puting rosas, at ang halimuyak ng mamahaling champagne ay nanunuot sa bawat sulok, humahalo sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa Thames. Ang tunog ng Aurelian Jazz—isang sopistikadong timpla ng saxophone at piano—ay dumadaloy sa hangin, nagbibigay ng isang aristokratikong vibe sa buong paligid.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin ng aking private suite sa loob ng ospital. Nakasuot ako ng isang emerald green silk gown na tila dumadaloy sa aking bawat galaw. Pumasok si Adrian sa silid. Nakasuot siya ng isang midnight blue tuxedo na nagbibigay-diin sa kaniyang matikas na tindig. Ang amoy ng sandalwood at pait ng kape ay agad na bumalot sa akin."You look breathtaking, Liana," bulong niya sa aking tenga bago isinuot ang isang kwintas na may na
اقرأ المزيد