Adrian’s POVNandito na kami. Sa wakas, tahimik. Pero aminin ko, medyo awkward. Sanay kasi kaming laging may pasyente, may nurse na tumatawag, o si Tita Victoria na laging nakabantay. Ngayon? Kaming dalawa lang ni Liana sa gitna ng gubat. Walang signal, walang distraction.At doon ko narealize... hindi ko pala alam kung paano makipag-date nang normal."Adrian, sure ka bang walang multo dito?" tanong ni Liana habang nakatingin sa labas ng glass wall. Nakabalot siya sa jacket ko, mukhang pagong na ewan."Liana, doctor tayo. Science ang pinaniniwalaan natin, hindi aswang," asar ko sa kanya habang sinusubukang magluto ng pasta sa kusina. Seryoso, mas madali pang mag-opera kaysa mag-estimate ng asin sa carbonara. "Tsaka kung may multo man, mas matakot sila sa akin. Ako ang 'Savage Doctor,' 'di ba?""Yabang nito," bulong niya pero lumapit siya sa kusina. "Akin na nga 'yan. Baka ma-food poison pa tayo sa luto mo, sayang naman ang pagtakas natin kung sa diarrhea lang tayo matatapos."N
اقرأ المزيد