LIANA’S POV"Okay na ba ito, Sera? Naka-filter ba? Baka mukha na akong espasol sa puti," bulong ko habang inaayos ang pagkaka-set up ng phone ko sa tripod.Nasa sala kami, at sa likod ko, sa mahabang sofa, mahimbing na natutulog si Adrian. Nakatagilid siya, medyo nakabuka ang bibig, at bakas ang pagod sa kaniyang mukha. Simula kasi nang lumipat kami rito sa probinsya, siya na ang gumagawa ng lahat—mula sa pag-igib ng tubig hanggang sa pag-aalaga sa mga tanim ni Papa. Ayaw niya akong pakilusin, kahit pagkuha lang ng tubig ay siya pa ang gumagawa."Ate, ang ganda mo. Mukha kang blooming na ewan. In 3... 2... 1... Live na!" senyas ni Sera habang nakatago sa gilid ng kurtina.Huminga ako nang malalim at tumingin sa camera. Sa loob lang ng ilang segundo, bumaha ang viewers. 5k... 12k... 25k... Mukhang hinihintay talaga ng buong Pilipinas ang pagsasalita ko matapos ang lahat ng iskandalong ginawa ni Victoria sa media."Magandang hapon po sa inyong lahat," panimula ko, pilit na pinapak
اقرأ المزيد