Liana's POV Nagising ako na masama ang timpla ng pakiramdam. Hindi dahil masakit ang tiyan ko, kundi dahil parang gusto ko ng bayabas na hilaw—iyong sobrang puti sa loob at malutong kapag kinagat. Pagtingin ko sa tabi ko, wala na naman si Adrian. Mula nang dumating kami rito sa kubo, mas maaga pa siyang nagigising kaysa sa mga manok sa paligid.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Nakita ko si Kuya Lucas na naglilinis ng bakuran. Si Sera naman, nasa malayo, nakasandal sa isang puno at tila may tinitignan sa malayo.Ngumiti ako kay Sera nang magtama ang paningin namin, pero sa loob-loob ko, may munting kaba. Matapos kong makita 'yung punit na papel kagabi, hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Pero gaya ng sabi ni Adrian sa akin kagabi bago kami matulog, “Trust me, Liana. Don’t let them see that you know.” Kaya naman, heto ako, nagpapanggap na walang alam."Kuya, nasaan si Adrian?" tanong ko kay Kuya Lucas habang nag-uunat."Ayun, ang asawa mo, kanina pa umalis. Na
اقرأ المزيد