Jean Napalingon kami pareho ni Kaizer ng bumukas ang pinto ng CR. Lumabas si lola nakabihis na. “Narito na pala ang asawa mo, apo? Paalis na ba agad kayo niyan? Tulog pa yata ang mommy mo,” ani nito palapit na rin sa amin ni Kaizer. Tumayo si Kaizer at nilapitan si lola. Nagmano rito at sinabayan na si Lola maglakad at nakaalalay pa sa siko ni lola binitiwan lang ng makarating sila sa sofa. “Dito ka po ‘la,” pinagpag ko ang tabi ko. “Ngayon na ba kayo aalis? Parang ang bilis lang, apo," “Opo ‘la. Gigisingin ko na lang po si mommy. Sabi naman noon kapag dumating daw si Kaizer. Gisingin lang daw siya.” “Pinakain mo na ba itong asawa mo ha, apo?” “Opo katatapos lang din po ‘la,” tugon ko. “Bakit nga pala isasama n'yo pa ang mommy mo? Ihahatid n'yo ba muna sa bahay bago kayo tumuloy pauwi?” “Hindi po ‘la. Ummm magtungo po kami sa clinic.” “Sinong maysakit?” gumuhit ang pag-aalala sa mata ng lola pareho niya kaming pinasadahan ng tingin ni Kaizer. Para bang nasa titig n
Terakhir Diperbarui : 2025-07-24 Baca selengkapnya