Vera “Anak, tawagan mo agad ako kung may problema roon," bilin ni mama sa ‘kin habang inaantay ko si Sean. “Sa totoo lang po natatakot po ako mama,” pag-amin ko. Ngumiti si mama at inayos ang buhok ko kahit na maayos naman naka isahang tali sa likuran ko pero inayos pa rin niya. “May tiwala ako kay Sean,” wika niya kaya nabawasan ang aking kaba. Kung hindi lang ako magiging advance mag-isip. Parang may sekreto si Sean, at sina Mama at Victor lang ang sinabihan niya. Five minutes lang ako nag-antay dumating din agad si Sean. Kay pogi nito sa suot na black tuxedo. Para kaming ikakasal kasi naka puti rin akong dress, at siya ang bumili nito dinala kahapon ng Mommy Anabel at Daddy Kenneth. Nakakatuwa nga suportado nila si Sean, ako ang gusto nila para sa anak nila at proud ako roon, imbis na si Alma ako ang gusto nila para kay Sean, kahit na engagement nila ngayon ni Alma at ni Sean. “Tita Maricel, lalakad na po kami,” “Magi-ingat kayo hijo,” tugon ni mama. “Relax! Hindi
Terakhir Diperbarui : 2025-10-12 Baca selengkapnya