“Answer me!” Domino demanded.Hindi napigilan ni Anastasha ang mapangisi nang marinig ang pagiging desperado nito sa sagot na hindi niya pa rin ibinibigay. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Domino?” Pagak siyang natawa rito. “Dimitri and I are legally married. Wala kang pakialam kung may mangyari man sa pagitan namin o wala.”Naningkit ang mga mata nito sa kaniya. “Paralisado ang kalahati ng katawan ng kuya ko. At sigurado rin akong hindi ka niya gusto. No need to hide it from me. Walang nangyari sa inyo kagabi, tama?” tanong pa rin nito nang hindi man lang binibigyan ng atensyon ang mga salita niya.“Wala kang pakialam, Domino. Wala kang kinalaman sa kung ano man ang gawin namin o hindi. Bitawan mo nga ako!” Muli siyang nagpumiglas upang makawala sa pagkakahawak nito ngunit dahil sa hindi hamak na mas malaki ito at mas malakas sa kaniya ay walang hirap siyang nakokontrol ni Domino.Mas lalong nabuhay ang kaba sa kaniyang dibdib nang walang babalang hapitin siya nito palapit sa kaniya a
Pagkatapos ng kalahating oras na pananatili s sementeryo ay umalis na rin silang mag-asawa. Dumiretso ang dalawa sa villa ng mga Lazatine. Pagkapasok ng dalawa sa sala ay nakita nila roon si Domino na nakaupo sa sofa. Pansamantalang natigilan si Anastasha nang makita itong nakatuon ang atensyon sa kaniya.Sa isip ni Domino ay hindi niya mapigilang mapansi ang mga naging pagbabago sa pananamit ni Anastasha. Tila ba ibang tao ito. Umangat ang kagandahan ng dalaga dahil sa ayos nito kahit pa simpleng hapit na bistida lang naman ang kaniyang suot.Hindi mawari ni Domino kung dahil ba sa ang kuya niya ang napangasawa ng dalaga kaya umayos ang pananamit nito. Malinaw na kasi niyang nakikita ang angking ganda nito na noon ay nakatago sa likod ng halos walang kulay nitong mga kasuotan. Mas lalo tuloy nagiging malinaw sa kaniya na hindi ito bagay sa kuya niya.Sa kabilang banda, iwas na iwas ang tingin ni Anastasha sa nakababatang kapatid ng kaniyang asawa dahil hanggang ngayon ay malinaw pa r
Nang lumabas si Anastasha sa opisina ng doktor, nakita niya sina Norman at Dimitri na naghihintay sa dulo ng corridor. Maingat siyang tumakbo palapit sa dalawa at sabay silang tatlo na lumabas ng ospital. Nang sumakay si Anastasha sa kotse, nakita niyang isinara ni Norman ang pinto at hindi pumasok sa puwesto nito sa likod ng manibela.Dahil nasanay na sia sa routine na ganito ni Dimitri ay agad niyang napagtanto na may gustong sabihin si Dimitri sa kanya. "May sasabihin ka ba?” maingat niyang tanong dito.Sumulyap si Dimitri sa kanya, pagkatapos ay dahan-dahang tumingin sa kawalan. Nabasa niya pa ang pag-aalangan sa mga mata bago ito tuluyang makaiwas ng tingin. Kinabahan tuloy siya dahil mukhang seryoso ito base na rin sa pag-aalangan sa kaniyang mga mata.“I know that we agreed to this marriage only on papers. Pero legal pa rin kitang asawa. At parte ka na rin ng pamilyang Lazatine. Kaya gusto kitang isama at ipakilala sa isang tao,” sabi nito.Agad na nabuhay ang kaba sa dibdib ni
”Dimitri, anak, hayaan mo si Tasha na sumama sa iyo. Wala naman akong masyadong gagawin dito sa bahay,” pagkausap ng kaniyang ina sa asawa niya. Pagkatapos ay binalingan siya nito. “Tasha, sumama ka kay Dimitri. Dapat nandoon ka bilang asawa niya para alam mo rin kung ano na ang kalagayan niya.”Hindi muna siya agad na sumagot. Binalingan pa muna niya si Dimitri at inintay ang pahintulot nito. Nang makita itong tumango ay sana siya kumilos. Nagpunta siya sa kaniyang silid at mabilis na nagpalit ng dadmit. Kinuha na rin niya ang bag niya bago muling lumabas.Dimitri and Norman were already in the car. Kaya naman nagpaalam na siya sa Mama niya na pupuntahan ang asawa. Hindi rin naman nagtaga ay binabaybay na nila ang daan patungo sa kung saan.Dahan-dahan ang pag-andar ng sasakyan palayo sa subdivision. Sa glid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang sumandal si Dimitri sa headrest ng upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung masama ba ang pakiramdam nito. O kung hangga
Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mga kaguluhang nangyari sa pamilya ni Anastasha, naging masigla at buhay ang hapagkainan ng kaniyang pamilya. Her mother was laughing. She looks so happy. Kahit siya, napapangiti rin sa kuwelang pagkuwento ng Kuya Dominic niya.He was the elight of the party. Ang gaan tuloy ng tanghalian nila. Kahit si Dimitri. Nakikipagpalitan din ito ng salita kay Dominic na siyang ikinagulat niya. Bagaman tungkol sa negosyo lang naman ang pinag-uusapan nilang dalawa.Hindi nagtagal pagkatapos ng tanghalian, umalis si Dominic dahil sa tawag na natanggap nito mula sa restaurant. Inako ni Anastasha ang paghuhugas ng kanilang pinagkainan ngunit pinagbawalan lamang siya ng kaniyang ina. Sinabihan siya nito na asikasuhin na lamang ang kaniyang asawa.“Kaya ko na anak. Puntahan mo na lang si Dimitri. Hindi niya pa alam ang pasikot-sikot dito sa bahay kaya mas mainam na samahan mo siya,” sabi nito sa kaniya.Masunurin siyang tumango rito. “Sige po, Ma. Tawagin mo lang po
Sobrang tahimik ng sala sa pagbalik ni Anastasha mula sa kusina nang kumuha siya ng tubig para sa asawa niya. Hindi nag-uusap si Dominic at si Dimitri kaya hindi niya tuloy alama kung paano puputulin ang katahimikang bumabalot sa dalawa.Nakita niya kung paanong nagpalitan at tila nagkakapaan ang dalawa. “"Hindi ba abala ang restaurant mo ngayon, bro?" kasawal na pagkausap ng asawa niya rito, winawakasan ng tuluyan ang ingay nang katahimikan sa pagitan ng dalawa.“Not at all. Besides, I have my people managing my restaurant whenever I’m not around,” tugon ng Kuya Dominic niya sa asawa.Hindi na natuloy ang pagsagot nito dahil lumapit na siya nang tuluyan sa dalawa. Muling naupo si Anastasha sa tabi ng asawa. Ibinaba niya ang kinuhang maiinom sa tapat nito kasabay ang baso para kay Dimitri.Nakita niya ang pagpalit-palit ng tingin ni Dominic sa pagitan niya at ni Dimitri. Nakaramdam tuloy siya nang pagkailang dahil doon na piit na lamang niyang binalewala. Nakita rin niyang kumuha ng i