Isang matikas at kayumangging lalaki ang pumasok, hawak ang mop sa balikat na parang espada. May suot siyang pulang headband, nakasabit sa balakang ang basahan, at kumikintab ang braso sa linis—o baka sa pawis."Hello, mga ate. Paistorbo, naiwan ni bossing ang logbook sa pantry," sabi niya sabay kindat sa direksyon nila.Napangisi si Charlene."Aba… Ariel," sabay siko sa kanya, "hindi lang pala si Fae ang mahaba ang hair. Ikaw rin pala.""HUHUHU," walang boses na iyak ang lumabas kay Ariel.Tumingala siya, parang nagdarasal na sana bigla siyang ma-teleport sa ibang dimensyon."Lord… kung may portal d'yan sa ilalim ng mesa, papasok na ako. Promise.""Oy, Jonard," ani ni Charlene, "ayan na kalaban mo."Napalingon si Jonard mula sa kanyang kinauupuan.Sinalubong ng bagong dating ang kanyang tingin.Tumigil ang mundo.Parang may electric guitar riff na umalingawngaw sa background.Nagtagpo ang kanilang mga mata na tila may spark na naglalaban."Well, well, well," ani Jonard, sabay tayo, h
Last Updated : 2025-07-01 Read more