Tumawa si Feliz, sumunod na rin ang mapanirang tawa ni Nina at ngiting tagumpay ni Jane—isang ngiting parang nakatapak na sila sa leeg ni Fae."Mr. Wolf," sabay-sabay halos ang tono nila, parang nakabisado ang script."Alam na namin ang sitwasyon ng babaeng ito," sambit ni Feliz na akala mo'y isang bida sa courtroom drama. "Kung ayos lang sa inyo, ihahatid ko na sila sa security room para sa karagdagang impormasyon.""Opo, Mr. Wolf," sabat ni Nina, "kailangang aksyunan agad ang mga ganitong klaseng tao bago sila makapaminsala pa."Ngumiti si Jane, walang sinabi, pero sinabayan ito ng isang mahinhin na higop ng wine habang nakatitig kay Fae—na para bang patay na bangkay na lang ang babae sa kanyang paningin."Napakahusay mo, Mr. Manalo," wika ni Anton, nakangiti.Napakamot ng ulo si Feliz, sabay mahiyain kuno na sagot, "Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, Mr. Wolf.""Actually," ani Nina na parang hindi na mapigil ang tuwa, "dapat yata bigyan ng reward or promotion si Mr. Manalo. Napaka
Huling Na-update : 2025-06-20 Magbasa pa