Sa labas, sa kahabaan ng hallway patungo sa elevator, magkatabi ang lakad nina Richard, Fae, at Lexa. Tahimik ang paligid, tanging mga yabag lang nila ang maririnig.Napatingin si Richard kay Fae."Hon, bakit ka nasa opisina ni Mr. Wolf? Akala ko nasa private room kayo kasama ng ibang directors?"Saglit na nag-isip si Fae, parang iniisip kung saan niya sisimulan."Medyo magulo ang nangyari," bungad niya. "Nagsimula sa pag-aakalang si Jane ang VIP. Imagine mo, sobrang confident niya, inako niya agad yung atensyon, tapos nagpa-picture pa."Napakunot ang noo ni Richard, tumango habang nakikinig."Tapos, sabay-sabay silang sumipsip. Si Nina, si Feliz, lahat sila. Pero ayun, dumating si Mr. Wolf, pinatalsik si Feliz, sobrang napahiya. Tapos… inisa-isa ni Mr. Wolf ang mga sumipsip kay Jane. Para kaming nasa courtroom."Tiningnan siya ni Richard na parang aliw na aliw. "So, tito mo pala si Mr. Wolf dahil matalik siyang kaibigan ng mama mo?""Tama," sagot ni Fae bago tumango.Tahimik lang si
Terakhir Diperbarui : 2025-06-25 Baca selengkapnya