Kinabukasan, sa Everest Corp, HR Director Office.Tahimik ang opisina maliban sa marahang tunog ng pagtipa ng keyboard. Nakaupo si Fae sa swivel chair niya, nakayuko sa harap ng computer. Sa screen, dalawang windows ang nakabukas.Sa isang tab, abala siyang gumagawa ng report, summary, at evaluation ng mga empleyado—maingat ang bawat input, bawat numero at rekomendasyon ay tinitiyak niyang tama. Ang daliri niya ay mabilis na pumipindot sa keyboard, sabay-sabay na gumagalaw ang mouse, parang sanay na sanay sa paglipat-lipat ng window na hindi man lang nababahala.Ngunit sa kabilang tab, nakabukas ang isang hiwalay na dokumento—hindi basta opisyal na file, kundi isang sensitibong listahan. Dito makikita ang anim na larawan na nakalinya: apat na lalaki at dalawang babae. Katabi ng bawat larawan ay nakasulat ang kani-kanilang impormasyon—pangalan, departamento, at ilang background details na hindi basta-basta makukuha ng kahit sino.Ito ang listahan ng mga taong binigay ni Kevin kagabi, a
Huling Na-update : 2025-08-18 Magbasa pa