Matapos ang ilang sandali pa ng talakayan at pag-aayos ng ilang detalye, tuluyang natapos ang meeting. Hindi nagmamadaling umalis sina Fae, Richard, at Kevin, bagkus ay naglakad silang tatlo pabalik sa opisina ng chairman kasama si Henry, na halatang pinapawisan pa rin kahit malamig ang aircon.Pagkapasok nila sa opisina, naupo si Fae sa swivel chair—ang dating upuan ni Henry—habang si Richard ay nakasandal sa sofa at si Kevin ay nakatayo malapit sa gilid, parang bodyguard na hindi naman kailangan."Ang galing mo kanina, Ma'am," ani Henry, medyo nanginginig pa ang boses. "Hindi ko po akalain na… eh… ganun kabilis ang plano ninyo."Ngumisi si Richard at sumandal pa lalo. "Kabilis? Henry, yun nga yung pina-simplify na version. Kung ako gumawa nun, baka mas lalo kang kinabahan.""Sir naman…" napakamot sa batok si Henry.Hindi nakatiis si Kevin at sumingit, nakangisi. "Eh sir, aminado ka rin naman kanina na muntik ka nang matawa nung nagsimula si Henry mag-report. Naaalala ko yung—" ginay
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-11 อ่านเพิ่มเติม