Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Victor DeLuca, malakas at walang pigil, tila ba nananabik sa bawat salitang naririnig. Tumango-tango siya habang pinaglalaruan ang hawak na baso ng alak, nakasandal sa upuan na parang nasa sarili niyang trono. Ngumisi ang misteryosong lalaki, ang tinatawag nilang "mastermind," ngunit sa madilim na silid, ang mga mata lamang nito ang kumikislap. "Hindi na magtatagal," wika niya sa malamig at kalmadong tinig, "at luluhod ang Everest Corporation sa sariling mga kasalanan." Tumagilid ang kanyang ulo, nakatingin kay Angelo na nakaupo sa tabi. "Siguraduhin mong may maiiwang 'pulbos' sa bodega," utos niya. Tumango agad si Angelo, diretso at walang pag-aalinlangan. "Walang magiging problema," magalang niyang tugon. Hinawi ni Catriona ang kanyang buhok, ang kanyang mga mata'y kumikislap na parang may sariling lihim na kasiyahan. "Handa na rin ang mga scapegoat na buyer," dagdag niya. "Kapag natapos ang operasyon, sila ang unang mahuhuli." Tumango ang ma
Last Updated : 2025-08-25 Read more