Napansin ni Richard ang pagbabago ng ekspresyon ni Kevin ngunit marahan siyang nagtaas ng kamay at nagbigay ng senyas na mamaya na. Halatang ayaw niyang masira ang masayang ambience sa mesa. Tumango si Kevin, inipit ang phone sa bulsa, at wala nang idinagdag na salita.Nagsimulang kumain ang grupo ng apat sa bilog na mesa. Sandaling sumulyap si Richard sa dalawang nurse na nakabantay, at sinabi, "Sabay na kayo sa amin."Nagkatinginan ang dalawang nurse at agad namula, halatang nahihiya. "Ay naku sir, ma'am, nakakahiya po…" bulong ng isa.Ngunit bago pa sila makatanggi, agad na sumabat si Fae. "Sumabay na kayo. Mahaba pa ang shift ninyo sa pagbabantay kay Mama, at isa pa, hapunan lang 'to. Para hindi na rin kayo gumastos pa."Nagkatinginan muli ang dalawang nurse, bakas ang gulat at pasasalamat. "Salamat po, ma'am… sir," sabay nilang tugon bago sila naupo sa bakanteng upuan.Masayang kumain ang lahat, nag-umpisa sa simpleng chikahan."Naku, anak, ang sarap nito," sabi ni Marcela habang
Huling Na-update : 2025-09-11 Magbasa pa