Matapos magsalita ni Bernard ay tila bumigat ang hangin sa sala. Tahimik ang lahat, para bang nilulunod sila ng mga tanong na wala pang kasagutan. Ngunit ilang saglit pa, kinuha ni Richard ang kamay ni Fae at marahang pinisil iyon."Hey," bulong niya, malumanay ngunit puno ng pag-aalala, "masyado kang nag-iisip. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo. Kahit pa ilang panggagaya o ilang kalaban ang lumitaw, isa lang ang totoo, at ikaw 'yon."Nag-angat ng tingin si Fae, at kahit may pangamba sa mga mata, napansin ni Richard ang lakas na unti-unting umuusbong doon. Pinilit niyang ngumiti, saka tumango. "Alam ko," sagot ni Fae, malumanay. "At kahit nakakatakot ang mga nangyayari, handa ako. Parte na ito ng buhay ko… dahil galing ako sa pamilya ng mga negosyante. Hindi nawawala ang digmaan, hindi natatapos ang laban. Kaya kung dati natatakot ako, ngayon naiintindihan ko na—kailangan kong tumayo nang matatag."Napatitig siya kay Richard, mas seryoso ang tinig. "At higit sa lahat, p
Last Updated : 2025-09-16 Read more