AMARA'S POINT OF VIEWHindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa mga taong abala sa pagluluto, pag-aayos ng mga lamesa, at pagtatawanan sa may gilid ng kubo. Para akong nanonood ng pelikula—pero ako ang bida, at ito ang despidida ko.“Uy, Amara, umupo ka lang d’yan! Bawal kang mapagod, ha?” sigaw ni Aling Bebang habang pinupunasan ang pawis sa noo niya. Bitbit niya ang isang bandehadong lumpia habang si Kuya Nardo naman ay inaayos ang ihawan.Ngumiti ako. “Oo na po. Nakaupo na po ako, pramis.”Nakaupo ako sa papag sa ilalim ng puno ng mangga, habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko. Malapit na. Ilang linggo na lang, makikita na namin si baby. Ang totoo, natatakot ako. Pero sa mga oras na ‘to, mas nangingibabaw ang tuwa. Dahil kahit anong mangyari, ramdam kong hindi ako nag-iisa.“Hon, uminom ka muna ng tubig.” Lumapit si Killian, pawisan din at may konting uling sa pisngi. Ang lakas maka-probinsyano ng itsura niya—white sando, shorts, tsinelas, tapos may dala
Terakhir Diperbarui : 2025-05-21 Baca selengkapnya