AMARA'S POINT OF VIEW Akala ko dati, ang pinakamahirap na araw sa buhay ko ay ‘yung mga panahong sabog ang puso ko sa dami ng iniisip, ‘yung binabalanse ko ang trabaho, ang emotions, at ang mga taong umaasa sa akin. Pero iba pala ang level ng hirap and happiness kapag isa ka nang nanay.Gabi-gabi, parang may sariling orasan ang anak namin. Tatlong oras palang ang lumilipas mula sa huling gising niya, umiiyak na ulit siya. Minsan marahan lang, minsan akala mo may kaaway siya. Pero ang mas matindi kahit puyat, kahit pagod isang ngiti lang mula sa kanya, parang nawawala lahat ng inis at antok.“Love, akin na siya,” sabi ni Killian isang madaling araw nang halos mapaluhod na ako sa sobrang antok.“No, ako na. Kakagising mo lang din. Ako na ulit,” bulong ko habang pinipilit magbukas ang mata ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na ring mahiga at umidlip kahit limang minuto lang.“Amara,” seryoso niyang sabi. “Team tayo, ‘di ba? Hindi mo kailangang akuin lahat.”At bago pa ako makapagprotesta,
Terakhir Diperbarui : 2025-05-26 Baca selengkapnya