VALERIE "Tahan na, Clarisse. Huwag ka ng umiyak," wika ni Valerie habang hinihimas ang likod ni Clarisse. Pinahid nito ang kanyang luha. "Salamat, Valerie. Salamt dahil kahit na may mga nasabi ako sa iyong hindi maganda at may mabigat akong hiling, maayos mo pa rin akong pinakikitunguhan. Mabait ka pa rin sa akin." Ngumiwi si Valerie. "Eh matitigok ka na rin naman kaya pumayag na ako. Tinupad ko lang ang last wish mo." Namilog ang mata ni Clarisse bago natawa. "Loko ka ngang talaga. Natatawa ako kung paano ka magsalita pero ang sarap mong kausap, ha. Alam mo ba dati, ang dami kong kaibigan. As in madami. Pero lahat sila, plastik. Walang totoo kahit isa. Hindi ko alam na inggit pala sila sa akin dahil sa kung anong mayroon ako. Ang hindi nila alam, may problema rin ako." "Bakit? Eh 'di ba mayaman ka man? Marami kang pera. Bakit hindi ka masaya? Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo?" Bumuga ng hangin si Clarisse. "Hindi lahat ng taong may pera o mayaman, masaya talaga ang p
Last Updated : 2025-08-08 Read more