LIAKinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa sa nakasanayan ko. Hindi naman kasi ako nakatulog agad kagabi. Bukod sa nakakahiya ang nangyari sa laundry area, paulit-ulit ding pumapasok sa isip ko ang sipag ni William. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na pagbalik ko ng bahay ay halos wala na akong makitang kalat. Pati kusina ay nilinis niya, naipunasan ang sala at maayos na naitupi ang mga tuyong damit. Kung hindi ko pa siya pinigilan kagabi, baka pati kisame ay nilinis na rin niya.Pagkababa ko sa kusina ay naamoy ko na naman ang niluluto niyang almusal. Katulad kahapon, mas nauna na naman siyang magising kaysa sa akin. Nakatalikod siya habang nagpiprito ng itlog at may nakasalang na rin na sinangag.Napailing na lang ako."William, hindi ka ba napapagod?" tanong ko habang hinihila ang isang upuan.Lumingon siya at agad na ngumiti."Hindi naman. Sanay kasi akong gumising nang maaga. Sa probinsya, madaling-araw pa lang gising na kami."Umupo ako at pinagmasdan siyang ilapag ang mg
Última actualización : 2026-08-07 Leer más