SAMARAH "Ayos lang ba sa iyo na sa unit kita dalhin? Don't worry, hindi kita gagalawin ngayon. Gusto ko lang na doon muna matulog... kasama ka," wika ni Hendrix habang nagmamaneho. Napakurap si Samarah bago bumuka ang kanyang bibig pero wala namang salitang lumabas mula doon. Kasabay nito ang mabilis na pintig ng kanyang puso na para bang nagwawala na. Kinikilig siya. Kahit pigilan niya ang sarili, kinikilig talaga siya. "Ah... o-oo sige, ikaw ang bahala. Wala namang problema sa akin kahit saan mo pa ako dalhin," tanging nasabi niya bago tumawa ng mahina. Ngumiti ng matamis si Hendrix habang nakatuon pa rin ang paningin sa kalsada. Nakatingin lang din si Samarah sa kanyang sugar ninong. Kakaibang kilig ang nararamdaman niya ngayon ngunit pilit niyang sinusuway ang sarili. "Alam mo, hindi talaga ako mahilig magpunta sa condo kong iyon. Kasi kapag nandoon ako, parang ang lungkot. Pero aaminin ko sa iyo, ikaw pa lang ang babaeng dinala ko doon. Iyong unit ko kasing iyon, parang saf
Last Updated : 2025-05-29 Read more