SAMARAH "Hoy," tawag ni Fiona sa kanya. Nilingon niya ang kanyang pinsan. "Ba-Bakit, Fiona?" Lumapit sa kanya si Fiona saka ngumisi. "Hindi ko na pala kailangang gayahin ang trabaho mo. Hindi ko na pala kailangang magpagamit sa kung kani-kaninong lalaki. Puwede naman pa lang sa iisang lalaki lang pero papaldo ako." Kumunot ang noo ni Samarah. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" "Simple lang. Hahanap lang naman ako ng magiging sugar daddy ko. Siguradong pipilahan nila ako, sa ganda kong ito? At kapag nakahanap na ako ng mayamang sugar daddy, mawawala ka na sa buhay namin. Hindi ka na namin kakailanganin pa. Dahil ako na ang magbibigay ng malaking pera kay mama. At ikaw naman, ipagpatuloy mo lang iyang trabaho mo hanggang sa malaspág ka," wika ni Fiona bago mapang-asar na tumawa. Bumuga ng hangin si Samarah. Kapag kausap niya si Fiona, nilalabas niya ang isang daang porsyento ng kanyang pasensya para hindi niya patulan ang kanyang pinsan. "Hindi na kita pipiliting maniwala sa akin
Terakhir Diperbarui : 2025-05-26 Baca selengkapnya