SAMARAH Pangalawang event na ngayon ni Samarah. Sobrang saya niya dahil successful ang unang event niya. Walang naging aberya. At nagkaroon pa siya ng good reviews sa kanyang page. Pero ngayon, kinakabahan siya ng sobra. Bigatin kasi ang client niya ngayon. Kilalang businessman at bilyonaryo. Kaibigan ni Hendrix kaya naroon ang kanyang nobyo. "Baby, kinakabahan ako. Itsura pa lang ng mga tao dito, talagang mayayaman. Mga bigatin! Sana talaga maging maayos ang event na ito. Matapos ng walang problema," wika ni Samarah sabay kagat labi. Hinawakan siya sa kamay ni Hendrix. "Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Akala ko kayang-kaya mong ayusin ang lahat kung sakali mang magkakaroon ng aberya. Pero sa tingin ko, walang ganoong mangyayari. Pinaghandaan mo ito ng maayos. Bago ka umalis ng shop mo, 'di ba nag-check ka muna? At isa pa, magagaling ang staff mo. Katangian nila iyan." Ngumiti si Samarah sabay hingang malalim. "Salamat, baby. Tama ka. Dapat magtiwala ako sa kakayahan ko. Pat
Last Updated : 2025-06-30 Read more