HENDRIX "Tito, na-deposit ko na po sa account ninyo ang kinita natin sa tatlo niyong resort sa Laguna. Nag-check na po ba kayo ng bank account niyo?" masiglang sabi ni Daniel. Pamangkin niya si Daniel. Ulilang lubos na si Daniel at siya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanyang pamangkin simula sampung taong gulang pa lang ang binata. At si Daniel ang pinagkakatiwalaan niya sa mga resorts na pagmamay-ari niya. "Maraming salamat, Daniel. Kumain ka na ba? Nagluto si manang ng favorite mong ulam. Kumain ka na doon," kaswal niyang sabi sa pamangkin. "Salamat po, tito. Siya nga pala, iyong sinasabi niyo sa aking baby girl niyo, baka perahan lang po kayo no'n. Baka pagnakawan lang po ulit kayo katulad ng huling naging baby girl ninyo, tito," nag-aalalang wika ni Daniel. Alam kasi alam ni Daniel ang lahat ng naging baby girl niya. Kay Daniel niya lang sinasabi at wala ng ibang nakakaalam ng pagiging sugar daddy niya. Ayaw naman kasi ni Hendrix na tumira ng iba't ibang babae sa bar. Kaya ma
Terakhir Diperbarui : 2025-05-13 Baca selengkapnya