SAMARAH Isang linggo na ang lumipas simula nang lumayas si Samarah. Ngayon, nakapaghakot na siya ng gamit sa kanyang negosyo. Nilakad na rin niya ang documents nito para palitan ang pangalan. "Ayos ka lang ba? Pagod na pagod ka na. Isang linggo ka na ring busy," sabi sa kanya ni Dina. "Ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Ang mahalaga, nahakot na natin ang mga gamit ko. Mas malawak ang bagong shop kong ito," nakangiting sabi ni Samarah. Bumuntong hinonga si Dina. "Kumusta ang sarili mo? Ang puso mo?" "Ito syempre durog. Niloko eh. Pero ayos lang. Mabubuo ko rin ito. Maaayos ko rin ulit ang sarili ko. Maganda ako at sexy 'no. Maraming lalaki diyan ang kababaliwan ako," mayabang na sabi ni Samarah. Humagikhik si Dina. "Sus! Yabang mo sa part na iyan! Pero tunay naman kasi!" Nag-apir silang dalawa. "Alam mo iyan! Oh siya, kumain na muna tayo. Sa labas na lang tayo kumain para wala ng ligpitin pa. Halika na!" sabi niya kay Dina. Habang kumakain sila, nadako ang ting
Last Updated : 2025-07-03 Read more