SAMARAH Namilog ang mga mata ni Samarah nang tawagin siya ni Mr. Ambers bilang anak nito. Sa unang pagkakataon na marinig niya iyon mula sa kanyang ama, hindi niya maitatagong tila kaysarap itong pakinggan. Tumikhim si Hendrix sa kanilang tabi. "Sir, maiwan ko na muna kayo," ani Hendrix bago tumingin sandali sa kanya at saka lumabas na ng silid na iyon. Ipinukol ni Samarah ang tingin sa kanyang amang lumuluha habang nakangiting nakatingin sa kanya. Halo-halo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. May galit, may inis, may lungkot at may galak. "Samarah, anak... kay tagal kong hinintay ang pagkakataong makita ka. Matagal na kitang hinahanap. Si Hendrix lang pala ang magdadala sa iyo palapit sa akin," basag ang tinig ng kanyang ama. Umismid si Samarah sabay tawa ng naasar. "Matagal? Imposible naman yatang hindi niyo kaagad ako magtatagpuan eh napakayaman niyo?" "Siguro dahil ayaw ka talagang ipakita sa akin ng mama mo. Itinago ka niya sa akin," tugon ni Mr. Ambers.
Last Updated : 2025-07-06 Read more