Sa loob ng coffee shop, nanginginig ang katawan ni Arniya habang pinipilit niyang labanan ang epekto ng gamot na pilit sumisira sa kaniyang ulirat. Nakakulong siya sa kalituhan, pero sa gitna ng kadiliman ng kanyang isipan, nananatili ang isang bagay—ang pagnanais na lumaban.“Bang!”Bumasag sa katahimikan ang tunog ng basag na tasa. Sa isang iglap, hawak na ni Arniya ang matatalim na piraso ng baso. Nakatayo siya sa gitna ng shop, pawis na pawis, pulang-pula ang pisngi, nanginginig ang mga kamay, at ang kanyang mga mata—puno ng apoy.“Huwag kayong lalapit! Lalayuan n’yo ako o masusugatan kayo!”Walang makagalaw. Napatigil maging ang dalawang lalaking kasama ni Killian. Umaalog ang tuhod ni Arniya habang paurong siya sa sulok, ngunit kahit nanginginig ang boses, palaban ang titig.Si Killian, may sugat sa labi at pulang marka sa pisngi, ay napailing habang pinupunasan ang dugo gamit ang likod ng palad.“Damn, even with the drug, this one’s still fighting,” sabay tapon ng tissue sa sah
Terakhir Diperbarui : 2025-05-22 Baca selengkapnya