Makalipas ang dalawang buwan matapos ang lahat—wala nang anino ng panganib, wala nang putok ng baril o sigaw ng takot. Ang mga araw nina Aurelia, Xavier, at Anchali ay unti-unting bumabalik sa ritmo ng payapa.At sa unang pagkakataon, hindi nila kailangang magtago.Sa labas ng bahay na malapit sa dalampasigan, maririnig ang halakhak ni Anchali habang hinahabol ng alon ang kanyang mga paa.Naka-sundress siya, may hawak na maliit na balde at pala, at tumatakbong parang hindi kailanman nasaktan ang mundo.“Mommy, Daddy! Look!” sigaw ni Anchali, sabay taas ng isang seashell na kumikislap sa araw.Lumapit si Aurelia, nakangiti, habang si Xavier naman ay nakaupo sa buhangin, may hawak na kamera.“Ang ganda, anak,” sabi ni Aurelia, sabay haplos sa buhok ng bata.“Xav, kuhanan mo kami, dali!”Ngumiti si Xavier at itinutok ang kamera. “Okay, ready… one, two—say freedom!”“FREEDOM!” sabay sigaw ng mag-ina.Click.Ang litrato ay simple—isang bata, isang ina, isang ama, sa ilalim ng araw. Ngunit
Last Updated : 2025-11-07 Read more