แชร์

Chapter 27

ผู้เขียน: Yarnie
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-10 21:02:12

Nakahalumbaba lamang ako habang kumakain ng mangga. Bagoong ang sawsawan ko na pinaluto ko pa kay Secretary Pyrson dahil wala si Lucas. Pinuntahan ako ni Hannah dito sa bahay, bitbit ang dalawang plastic na puro mangga ang laman.

“Anong oras ka uuwi?” tanong ko.

Nakaupo siya sa sofa habang nakadekwatro at may laptop sa hita. Hinahabol niya ang pagpapasa ng nobela niya sa isang bagong bukas na publishing house.

“Pag-uwi na lang ni Lucas. Ang ingay sa hideout niyo, e. Bangayan nang bangayan sina Solene at ang pinsan mo,” sagot niya.

Tumango ako. Tumingin ako sa katabi ni Hannah na nakasandal sa sofa habang nakahalukipkip at nakapikit ang mga mata. Ngumuso ako sa direksyon niya. Sinundan naman ito ng tingin ni Hannah at nagtatakhang tumingin sa akin.

“E, iyang kasama mo? Bakit nandito rin?”

“May ipapahanap si Solene sa kaniya kaso day off ngayon kaya sumama muna sa akin.”

Napatango-tango ako. “Ah, kaya naisipan munang magpahinga sa tabi mo?” nakangisi kong saad.

Sinamaan niya ako
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 32

    Nakaupo ako sa sofa habang kumakain ng pipino. Binuksan ni Teruya ang TV. “Mapapaaga pala ang pag-uwi ni Hannah. Tumawag kanina baka sa makalawa daw ay makauwi na siya. Si Solene naman baka rin makauwi din daw ng araw na iyon. Nakauwi na kasi ang Lola niya sa bahay at doon na nagpapahinga.”Tumango-tango ako. “Okay pala. Boring din kasi na wala tayong nakakasama.”Napangisi siya sa sinabi ko. “Sure ka? Palagi ka ngang pinunpuntahan ni Aling Lydia rito at dinadalhan ng prutas.”Ngumuso ako. “Mabait lang talaga ang landlady natin.”Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang umalis ako sa bahay ni Lucas. Hindi na kami sa hideout tumuloy at sinunog na ni Teruya ang lugar na iyon upang mawala ang pinagbakasan namin. Binayaran niya na rin ang upa sa apartment niya at tinapos na ang kontrata. Lumipat na kami ng lugar at umupa ulit. Naalintana ang pag-uusap namin nang mabanggit ang pamilyar na pangalan sa TV.“Exclusive News ni Dona Reyes. Lucas Chavez ang panganay sa magpipinsan na kil

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 31

    “Sabi ko na nga ba at diyan ka lang nagtatago.”Napapikit ako ng mariin. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa pintuan. Ngunit hindi iyon bumukas. "Lois! Umaano ka na naman ba? Tara na!”Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Sumilip ako sa bintana sa maliit na butas, sapat na para makita ko sila at makapagtago ako. Tuluyan na nga silang lumabas at tumingala pa si Lucas at ang kasama niya. Nakahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang dumadausdos pababa sa pader. Nang marinig ko ang pagtunog ng makina at tuluyang pagkawala nito sa pandinig ko, agad kong pinuntahan si Teruya at pilit itong binuhat sa kama. Isang linggo na ang lumipas at hindi ko alam kung paanong buhay pa rin ako. Gabi-gabi ay may nakaipit na maliit na kutsilyo sa ilalim ng kutson ko, at baril sa loob ng unan ko na palagi kong yakap-yakap. Isang gabi umuwi si Lucas na nanginginig ang kamay, may ilang butil ng pawis sa noo, at hindi mapakali ang mga mata. Nagulat ako ng sa kwarto ko siya dumiretsyo ng wala manlang pas

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 30

    Tulala ako buong gabi, ni hindi ko makuhang matulog. Magiging isa ako sa dahilan nang pagbagsak ni Lucas. Lalo lang akong na-g-guilty dahil nasa tabi niya ako at nakikita ko siya. Ako pa ang pinapanigan niya kahit hindi siya sigurado sa nangyari. Sa isip niya, wala akong ginawang pagkakamali. Paano na lang kapag nalaman niyang isa ako sa dahilan? Gaano kasakit iyon para sa kaniya? Bumangon ako sa kinahihigaan ko nang makarinig ng busina. Sumilip ako mula sa bintana ko. Lumabas sa black na van ang dalawang lalaki. Madilim na at mahina pa ang ilaw ng poste kaya hindi ko maaninag masiyado ang mukha ng mga lalaki. Lumabas si Lucas. Napatakip ako sa bibig ko ng takpan nila ang bibig nito at pinilit ipasok sa van. Agad akong umupo nang gumawi ang tingin ng isang lalaki sa direksyon ko. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Ang bobo naman ni Lucas. Bakit ba lumabas pa siya ng bahay?! Agad kong inabot ang cellphone ko at tinawagan si Teru. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagrir

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 29

    “Isang sugatan sa aksidente sa crossover sa Maynila ang nahuli sa cam sa pagsaksi ni Dona Reyes. Kitang-kita sa CCTV sa crossover ng Maynila kung gaano kabagal ang pagmaneho ng biktima, ngunit dahil sa hindi malamang dahilan, bigla na lang itong bumilis at dumiretsyo sa poste sa gilid ng kalsada. Kitang-kitang nabasag ang harapang parte ng sasakyan nito. Maya-maya lang ay may kumudlit na apoy, kasabay ng pagdating ng ambulansya. Kinikilalang si Tenor Chavez, kilala bilang isa sa tagapagmana ng kompanya, ang naturang biktima.”Nag-ring ang phone ko. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Hannah. “Hello?” “Napanood mo na ba ang balita? Nadisgrasya daw ang Tito ni Lucas!” hysterical na sambit nito. “Oo, kakakita ko lang. Nakakagulat nga, e,” sagot ko naman.“Mag-iingat ka riyan. Nako. Uuwi ako sa katapusan. Hindi ako makauwi ngayon dahil marami pala akong hindi naasikaso dito. Hindi manlang nagsasabi sina Mama.”“Ayos lang. Huwag ka na ngang mag-alala. Hindi naman ako nag-iisa rito.”“K

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 28

    Nakahiga lamang ako sa kama habang pinapanood ang pagbasak ng ulan mula sa bintana ko. Mabibigat ang pagpatak nito at tila ba may dinaramdam ang ulan at nais nitong ipabatid sa amin ang nararamdaman niya. Nakasuot ako ng kulay rosas na jacket at balot na balot din ako ng kumot. Sa tabi ng kama ay may maliit na lamesa kung saan nakalagay ang mga tubig at gatas, pati na rin ang mga pagkain na inihanda sa akin ni Lucas. Hindi ko alam kung akala niya ba ay magkukulong lang ako sa kwarto kaya pinaglalagay na niya lahat ng pwede kong kainin dito sa loob ng kwarto para hindi ako magutom. Malamig ang panahon kaya masarap matulog at mamalagi sa kama. Sa estado ko ngayon, aakalain mong wala akong pinaplanong masama, anumang oras man ang dumating, anumang panahon para sa pagkakataon. Pasalampak na humiga sa tabi ko si Solene at yumakap sa akin. Binalot niya rin ang kumot sa katawan niya. “Nakakapagod kausap si Mommy.” Tinapik ko ang likod niya. “Hayaan mo na. Magagamit naman natin ang konek

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 27

    Nakahalumbaba lamang ako habang kumakain ng mangga. Bagoong ang sawsawan ko na pinaluto ko pa kay Secretary Pyrson dahil wala si Lucas. Pinuntahan ako ni Hannah dito sa bahay, bitbit ang dalawang plastic na puro mangga ang laman. “Anong oras ka uuwi?” tanong ko. Nakaupo siya sa sofa habang nakadekwatro at may laptop sa hita. Hinahabol niya ang pagpapasa ng nobela niya sa isang bagong bukas na publishing house. “Pag-uwi na lang ni Lucas. Ang ingay sa hideout niyo, e. Bangayan nang bangayan sina Solene at ang pinsan mo,” sagot niya. Tumango ako. Tumingin ako sa katabi ni Hannah na nakasandal sa sofa habang nakahalukipkip at nakapikit ang mga mata. Ngumuso ako sa direksyon niya. Sinundan naman ito ng tingin ni Hannah at nagtatakhang tumingin sa akin. “E, iyang kasama mo? Bakit nandito rin?” “May ipapahanap si Solene sa kaniya kaso day off ngayon kaya sumama muna sa akin.”Napatango-tango ako. “Ah, kaya naisipan munang magpahinga sa tabi mo?” nakangisi kong saad. Sinamaan niya ako

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status