NANG biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Nagulat si Tess. “Ay, speaking of gwapo!” Nasa may pintuan si Jav, may dalang paper bag na mukhang may pagkain, at agad napansin ang luha sa mata ni Elorda. “Ano drama 'yan? Naiwan ba ako sa eksena?” tanong niya, kunwari'y seryoso pero may bahid ng ngiti sa labi. “Elorda, magpaliwanag ka sa asawa mo,” biro ni Tess sabay kuha ng tissue at pahid sa pisngi ni Elorda. “Napaiyak ko, pero sa kabutihang dahilan naman. Wag mo akong idemanda, ha, Sir Jav.” Umiling si Jav, lumapit sa kama at iniabot ang paper bag kay Elorda. “Walang kaso kung si Tess ang dahilan ng luha, basta hindi stress ang dala niya.” “Uy, excuse me, puro good vibes lang ako,” depensa ni Tess habang nag-aayos ng bag. “Sige, alis muna ako. Mag-usap na kayong mag-asawa d’yan. Baka makaistorbo pa ako sa mga sweet-sweetan niyo.” Pinandilatan naman ni Elorda si Tess. Nakakahiya kay Jav, panay ang banggit ng salitang 'mag-asawa'. Hindi pa nga sila kasal at lalong walang sila. “El
Last Updated : 2025-06-08 Read more