"MAHAL mo na siguro si Jav..." sabi ni Tess, kaya napalingon si Elorda sa kanya. "Kung hindi mo siya mahal, 'di ka mahihirapan ng ganyan. At saka, hindi naman mahirap mahalin ang isang Javinzi Carlos, ’di ba? Kahit paano, ipinaramdam naman niyang mahal ka niya. Kahit hindi ka pa niya kayang ipakilala sa pamilya niya o sa ibang tao." Walang maisip na isagot si Elorda sa sinabi ni Tess. Baka nga... mahal na niya ang asawa. "Hindi ka na nakakibo d’yan. Silence means yes, tama ba?" pangungulit pa ni Tess. Napayuko si Elorda, parang nahiya siya sa kaibigan. Aayaw-ayaw pa naman siya noong una kay Jav, sinusungitan pa niya ito. "Ayon, marupok din pala," natatawang sabi ni Tess. "Normal lang ’yan, hindi mo kailangang ikahiya, Elorda." Napatunghay si Elorda sa kaibigan. "Natatakot din kasi ako... Para sa sarili ko, at para sa mga anak ko. Si Jav, hindi siya kagaya natin. May kaya siya, hindi lang basta may kaya. Kapag nalaman ng iba na ang asawa niya ay dating OFW, at mas matanda pa sa ka
Last Updated : 2025-07-05 Read more