“KUNIN muna natin ulit ang vital signs mo, Elorda. Kanina, medyo mataas ang blood pressure mo kaya ipinahinga ka muna namin sa ward,” sabi ni Dra. Dixon habang sinusulyapan ang clipboard. Tahimik lang si Elorda habang pinapatong ng nurse ang cuff sa braso niya. Nakatingin siya sa kisame, tahimik na nagdarasal. Sa tabi niya, si Jav, nakaupo sa plastik na upuan, balikat ang bagsak, ngunit hindi inaalis ang tingin kay Jav. Mabilis ang tibok ng puso ni Elorda, pero pinilit niyang maging kalmado. Ayaw niyang ma-stress ang mga anak sa sinapupunan niya. “135 over 95, Doc,” bulong ng nurse. Bahagyang kumunot ang noo ni Dra. Dixon. Lumapit siya sa kama at hinawakan ang kamay ni Elorda. “Mataas pa rin, Elorda. Magkakaroon tayo ng kaunting obserbasyon. Ipapatingin muna natin ang mga baby, okay? Pa-ultrasound kita ngayon din.” “Dok…” bulong ni Elorda, halos hindi marinig. “Okay lang po ba sila?” Tumango si Dra. Dixon. “Let's see pagkatapos ng ultrasound at para sigurado tayo, kailangan nati
NAPAHINTO sa pag-uusap sina Jav at Elorda nang may biglang kumatok sa pinto. Napabuntong-hininga si Jav. "Sino na namang istorbo 'yan?" "Tingnan mo na. Baka may mahalagang kailangan 'yung kaibigan mo. Opisina mo naman 'to," sabi ni Elorda. Inis na tumayo si Jav at tinungo ang pinto para pagbuksan kung sino man ang nasa labas. "Why?" iritado niyang tanong sa kaibigan. "Dude, parang galit ka na agad," ani Lindrick, nakataas ang kilay. "Bakit ka ba kumakatok? Ano bang kailangan mo?" Hindi maipinta ang mukha ni Jav sa pagkainis. Napakamot na lang si Lindrick sa ulo sa inasal ng kaibigan. "Ipinatatawag ni Dra. Dixon si Elorda. Grabe ka naman makabakod. Hindi mo pa nga jowa, binabakuran mo na." Parang tinamaan si Jav sa sinabi ni Lindrick. Inalis niya ang bara sa lalamunan at umayos ng tayo. "May karapatan pa rin ako, anak ko ang dinadala ni Elorda." "Oo na, oo na. Ilang ulit mo nang sinabi 'yan. Masaya ka na dahil nakita mo na siya, may bonus pang baby." Kastigo ni Lindrick. "
SA loob ng opisina ni Patrick, binigyan nila ng privacy sina Jav at Elorda na makapag-usap. 'Di titigilan ng binata si Elorda hangga't 'di ito pumayag na magpakasal sa kanya. Ilag na ilag ang mata ni Elorda. Naiilangan siya sa paraan ng pagtitig ng binata sa kanya. Kung siguro yelo siya, kanina pa siya natunaw. "I-Ilang taon ka na ba?" untag niya, iniiwasan pa rin ang eye contact kay Jav. "I'm twenty-eight. CEO of Javinzi Enterprises," sagot ni Jav, kalmado ang tono. "I graduated in New York and finished my master’s in business administration. Single, and no kids." Sandali siyang tumigil, saka ngumiti ng bahagya. "In case you’re wondering." Napaawang ng malaki ang bibig ni Elorda sa gulat. Edad lang ang tinanong niya, pero parang autobiography na ang isinagot nito. Kulang na lang sabihin nito ang favorite color, paboritong ulam, childhood crushes, at kung anu-ano pa. Saglit siyang natigilan nang may maalala. "Twenty-eight ka lang?" gulat niyang tanong. Marahang tumango si Jav.
"LET'S get married..." nasambit ni Jav. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig kay Elorda. Napatulala si Elorda. Nakaawang ang kanyang bibig, at napahawak siya sa tiyan nang biglang sumipa ang kanyang anak. "Anong kasal ang pinagsasabi mo? Pangalawang beses pa lang tayong nagkikita. Hindi kita kilala, at hindi mo rin ako kilala. So paano tayo ikakasal?" mariing tanggi ni Elorda. Dalawang taong parehong estranghero, magpapakasal? Seryoso ba siya—o nagbibiro lang? Napaamang si Tess sa katapangan na ipinakita ni Elorda. Nakaka-proud ang kaibigan niya. Marunong talaga... marunong magpakipot at magpahabol ng lalaki. Ang shunga! Isang mayaman, bilyonaryo, gwapo, matangkad at parang daks pa. Tinatanggihan... loka-loka. Parang nagtampo sa manok si Elorda. Sa itsura ni Jav, palay ang lumalapit sa kanya. "It doesn't matter kung ilang beses tayong nagkita. What’s important is, you're bearing my child. Ayoko naman na parang maagrabyado ang mga anak ko. I want to give them the best. I wan
Warning: Contains language not suitable for younger readers. --- MAGKATABI sa upuan sina Tess at Elorda na nakayukyok ang ulo. Hindi siya makatingin ng diretso ng diretso sa lalaking naka-crossed arms sa kanilang harapan. Animo'y para silang nililitis sa isang kaso na hindi nila ginawa kung makatingin si Jav. Isama pa ang tatlong mga kaibigan nito na ang mga mata ay nasa kanilang magkaibigan. Nilapitan ni Kevin si Jav na wala pa ring reaksyon ang mukha habang titig na titig kay Elorda. Ayaw niyang kumurap man lang o pumikit. Dahil baka bigla na namang mawala ito sa kanyang paningin. "Siya ba talaga 'yon?" Mahinang bulong ni Kevin sa kanyang tenga. "Yes. She's that girl. Hindi ako maaring magkamali. I remember everything. Siguro kahit na tumalikod pa siya sa akin, kilalang-kilala ko ang amoy niya...." Ang amoy na naamoy niya pa rin kahit lumipas na ang ilang buwan. Amoy ng katawan ni Elorda, halong pawis at sabon, at ‘yung natural na bango niya na sa tuwing sumisinghot siya noon
NAPATAAS bigla ang kilay ni Elorda. Habang napatitig naman si Tess sa lalaking nakatingin sa kanya. "Tess, tulungan mo nga akong bumangon dito..." biglang nausal ni Elorda. Pilit siyang bumabangon pero dahil sa malaking tiyan ay hirap siyang igalaw ang sarili. "Sandali lang... babalik pa si doktora. Hindi pa tapos ang check-up mo. Saka, sino ba itong lalaking 'to?" litong tanong ni Tess habang nililingon ang estrangherong 'di umaalis sa tabi ng higaan. Sinuyod ng tingin ni Jav ang babae. Narinig niyang tinawag na Elorda ito, iyon nga siguro ang pangalan niya. Pero natigilan siya. Napako ang paningin sa tiyan nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. "Bu-Buntis ka? Are you pregnant?" gulat niyang tanong, halos hindi makapaniwala sa nakita. Kumurap siya nang ilang beses, saka napailing, waring pilit na ipino-proseso sa kanyang utak ang totoo. Lumingon si Elorda kay Tess, halatang naiinis at balisa. "Ayoko na dito, Tess. Gusto ko nang umuwi. Ayokong makita ang lalaking 'yan."