Umupo si Maxine sa sofa nang napakatagal. Pagkatapos no'n, tumayo na siya at nagdesisyon na pumunta sa ospital.Kailangan niya ng oras upang pag-isipan ang tungkol sa sanggol, ngunit sa ngayon, may appointment siya kay Monica.Halos kalahating oras ang lumipas bago dumating si Maxine sa VIP hospital room ni Monica at nakita na niya ito.Agad naman na ngumiti si Monica sa kanya, saka nagsalita.“Maxine, narito ka na. Ang bilis mo namang dumating,” ani Monica.Tiningnan ni Maxine ang maputlang mukha ni Monica, bago sumagot sa babae.“Lalo pa yatang lumalala ang kondisyon ng puso mo. Kung muli kang mahihimatay sa susunod, baka malagay na sa panganib ang buhay mo, kaya pupunta ako habang maaari pa,” sagot ni Maxine.“Maxine!” sagot ni Monica.Sa wakas, naintindihan ni Monica kung bakit lumalala ang kanyang puso ay dahil siguro palagi siyang pinipikon ni Maxine.Inayos niya ang kanyang damdamin bago sinagot si Maxine.“Maxine, hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan. Natagpuan
Read more