Tumigil sandali sina Maxine, Althea, at Jessica sa kanilang narinig.“Sikat talaga ang bar sa restaurant na ito. Narinig ko na may main attraction dito na sobrang patok lalo na sa mayayamang babae. Kapag umaakyat siya sa entablado at nag-perfrom, hindi tumitigil ang tip galing sa mga babae,” saad ni Althea.“Narinig ko rin ‘yan. Sabi nila, lahat ng waiter sa bar na ito ay mga kalalakihang may magandang mga katawan, naka-bare upper body at may six-pack abs. Pasok tayo, para naman lumawak ang kaalaman natin,” wika ni Jessica.Natural na wala namang pagtutol si Maxine kaya sumang-ayon na rin siya.“Sige, pasok tayo.”Pumasok ang tatlo sa bar. Puno na ito, at karamihan ay nakapwesto na sa paligid ng entablado.Ilang gwapong lalaki ang nasa entablado at nagsimula nang mag-perform. Malakas ang tugtog habang sabay-sabay ang sigawan ng tao roon. “Hubad! Hubad! Hubad!” At nagsimulang hubarin ng mga lalaki ang kanilang damit.Sa gitna ng lahat, nakatayo ang pangunahing atraksyon ng ba
Read more