Madalas tahimik lang si Ralph kapag may kasiyahan o salu-salo sa bahay nila Julio. Habang abala ang iba sa kwentuhan at tawanan, siya naman ang nagbabantay sa mga pagkain sa mesa, sinisigurong ayos ang mga nakababata, at tahimik lang na umiinom ng kape sa gilid. Hindi ito agad napansin ni Alexis noong una. Pero habang tumatagal ang pagdalaw niya sa bahay nina Julio, unti-unting lumalalim ang pagka-curious niya sa lalaking halos hindi umiimik, pero palaging naroon kapag kailangan. “Kuya Ralph,” bungad minsan ng isa sa mga pinsan ni Julio, “pwedeng patulong po ayusin ‘tong bike ko?” “Dun mo dalhin sa labas, pakita mo sakin.” Walang yabang. Walang reklamo. Nakita ito ni Alexis mula sa terrace at napangiti. Tahimik niyang napansin — sa bawat kilos ni Ralph, may responsibilidad. May pagkalinga na hindi kailangang ipagsigawan. Isang hapon, nadatnan ni Alexis si Ralph sa likod bahay, nagwawalis ng mga tuyong dahon. Nakasando lang ito at mukhang pawis na pawis na, pero hindi alintana ang
Terakhir Diperbarui : 2025-07-01 Baca selengkapnya