Alya's POVHindi ako nakaimik nang marinig ko mula kay Neo kung ano ang turing at tingin ni Mr. Irigo kay Samantha.Halos anim na taon na siyang nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang kabutihang loob ng mga Buendia sa kanya ganoon din kung paano siya ituring ng mga ito bilang isang pamilya.Sobrang saya niya kahit pa nilalait na siya ng kanilang mga kapitbahay dahil sa napili niyang trabaho. Sobrang saya niya dahil imbes na sa bakal na bato ay napunta siya sa matitinong mga tao na mayroong mabubuting loob.Pero nagkamali siya.Hindi sila tulad ng kanyang inakala.Putik?Aba! Kung hindi dahil sa best friend ko, hindi titino ang kapatid niya. Kung hindi dahil sa best friend ko, hindi magpupursige si Theo na palaguin pa lalo ang kanilang kompanya. Sino siya para pagsabihan ng ganoon si Samantha?Kung tutuusin nga magpasalamat pa sila sa kanya dahil sa dinami-rami ng naging secretary ng CEO ay siya lang ang nakatagal."Nabanggit mo na ba sa tiyuhin mo ku
Neo's POVAlas-diyes y medya na nang umuwi kami galing sa mansion.Agad na dumiretso si tito Theo sa kanyang kwarto habang ako naman ay nanatili sa living room. Napahilamos ako sa mukha ko kasunod niyon ay pabagsak akong humiga sa couch. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay pagod na pagod ako kahit pa ang ginawa lang namin sa mansion ay ang kumain at magkwentuhan.Hindi kalaunan ay bumalik ako sa kamalayan ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad akong umayos ng upo at hinarap iyon.Doon ay nakita ko ang sunod-sunod na message na nagmula kay Alya.'Ano na?''15 minutes na akong naghihintay dito sa resto na sinabi mo.''Darating ka ba o hindi?'Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mga mensahe niyang iyon. Kaya naman dali-dali akong bumangon mula sa couch sabay hablot ng nakasabit na jacket ko sa rack na malapit sa pinto.Walang isang salita kong inikot ang seradura at lumabas ng pinto. Right after I locked the door, I went to the garage. Agad akong sumakay
Theo's POVNabulabog ang pananahimik ko sa balcony nang marinig ko ang ingay na dulot nina Neo at Bella sa may front yard. Mula roon ay rinig ko ang hagalpak ni Neo habang halata naman ang inis sa boses ni Bella.Tila ba naglalaro sila sa children's party ng trip to jerusalem habang paikot nilang pinalilibutan sina kuya Irigo, ate Lorie at si Herley. Sa kabilang banda naman ay walang ginawa ang tatlo kundi ang pagmasdan ang dalawang magpinsan habang tinatawanan ang mga ito.Natawa na lamang din ako sa tinuran ni Neo nang kunin nito ang cellphone ni Bella at ipinakita iyon kay kuya. Dali-daling tinanggal ni Bella ang suot nitong tsinelas at gigil na ibinato kay Neo. Agad nitong naiwasan ang pambabato ng dalaga at hindi kalaunan ay inihagis ang hawak nitong cellphone kay Herley.Lihim na lang ako ng natawa sa inasta nilang iyon.Matapos ang eksenang iyon ay muli kong ibinaling ang atensyon ko sa hawak kong cellphone. Muli ay bumungad sa akin ang larawan ng isang babaeng naka-side view k
Samantha's POV"Hindi naman si Karlos ang boyfriend ko?" tanong ko kay Alya.Agad na nagkasalubong ang kanyang kilay. "Hindi no! Malayong-malayo 'yang Karlos na 'yan doon sa boyfriend mo. Sa itsura pa lang ay walang-wala na siya. Tapos kulang pa siya ng sampung paligo kung ang pag-uusapan ay ang mga bagay na na-achieve ni…no'ng boyfriend mo."Dumapa ako mula sa pagkakahiga at muli ay binuksan ko ang cellphone ko. Agad kong hinanap ang gallery at nang akmang pipindutin ko na iyon ay nabaling ang atensyon ko sa isang album doon na may pangalan na T&S Sapphire.Umangat ang dalawang kilay ko nang mabasa ko iyon. Dali-dali kong binuksan iyon at doon ay bumungad sa akin ang ilan pang mga larawan kung saan ay hindi lamang ang misteryosong lalaki ang nandoon kundi pati ako ay kabilang.That album contains not only twenty but three hundred and forty-five photos.Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung gaano karami ang mga litratong iyon. Bagamat gulat ay hindi ko naman mapigilan ang hi
Theo's POVPagkababa na pagkababa namin ni Neo sa kotse ay agad kaming sinalubong ni kuya Irigo.Nakangiti siyang yumakap sa akin na tila ba tuwang-tuwa sa mga sandaling iyon. Nabanggit sa akin ng pamangkin ko kanina na mayroon kaming iringan na dalawa ni kuya. Pero hindi ko natanong kung anong dahilan at ngayon ay parang nawala na iyon ng parang bula. Kung tutuusin ay hindi lamang iyon, bagkus ay marami pa akong katanungan na gustong-gusto kong masagot. I want some answers. Either it is good or bad.However, Neo was right.Hindi lahat ng mga katanungang iyon ay masasagot kaagad at hindi lahat ng iyon ay kaya niyang sagutin o ng kahit na sino pa man. It might take a lot of time for me to get some answers. Ang hirap lang kasing nagpapatuloy ako sa buhay ko sa araw-araw pero wala naman akong alam tungkol sa sarili ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga nang makapasok na kami sa loob ng mansion.Napamulsa ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay."Nakapunta na ba ako rito?
Samantha's POVMatapos kong ayusin ang mga gamit ko ganoon din ang sarili ko ay agad na akong lumabas ng kwarto. Mula sa dining area ay kita ko si Alya na naghahanda ng hapunan. Ilang putahe rin ang iniluto niya. Amoy pa lang ay halatang masarap na ang mga iyon. Sa katunayan ay ilang araw na ring naghahanap ang sikmura ko ng mga lutong ulam.Ang tabang naman kasi ng mga ibinibigay nilang pagkain sa ospital. Hindi pasok sa panlasa ko. Bukod pa roon ay tila ba may hinahanap ang sikmura ko na uri ng pagkain at luto na siguro noon ay kinakain ko.Hindi ko nga lang kung ano ang mga iyon."Tara kain na," nakangiting anas ni Alya at naupo sa napili niyang pwesto. "Ako nagluto ng mga 'yan. Hindi ko alam kung masarap pero pagtiisan mo muna dahil pinag-aaralan ko pa lang ang magluto."Bahagya akong natawa. "Ano ka ba? Ang importante may makain ako na lutong ulam. Sa halos ilang linggo ba namang nag-stay ako sa ospital parang nakalimot na yata 'tong dila ko na makatikim ng mainit-init na pagka