Chapter 125Tahimik ang buong sala, maliban sa tunog ng pelikulang pinili ni Princess. Animated movie iyon—makulay, masaya, para sa bata—pero sa akin, parang wala akong ibang nakikita kundi ang dalawang taong nasa tabi ko.Si Princess ay nakaupo sa gitna nina Levi at Elise, pero unti-unti, habang tumatagal, humilig siya kay Elise. At sa tuwing mangyayari iyon, sinasamahan pa ni Elise ng pagyakap o paghaplos sa buhok ng bata, parang gustong ipakita kung gaano siya ka-close dito.Ako naman, nakaupo sa kabilang sofa. Ilang beses kong naisip lumipat sa tabi ni Levi, pero para saan? Para makipagsiksikan? Para magmukhang ako ang humahabol ng presensya? Hindi. Ayokong magmukhang insecure… kahit ang totoo, kinakain na ako ng selos mula sa loob.“Princess, look,” bulong ni Elise sa bata habang nakaturo sa screen. “That’s your favorite scene, right?”Tumawa si Princess at tumango. “Yes, Tita Elise! You remember!”“You know I always remembe
Dernière mise à jour : 2025-08-15 Read More