Chapter 144Levi’s POVMabilis ang naging pag-ikot ng mga araw. Sa dami ng meetings, projects, at papeles na kailangang ayusin sa kompanya, halos hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Madalas akong umuuwi ng gabi, pagod at halos wala nang lakas para makipag-usap man lang kay Princess.Minsan, pagdating ko sa mansion, tulog na siya. At sa mga pagkakataong gising pa siya, napapansin kong may lungkot sa mga mata ng anak ko, pero wala akong magawa kundi bigyan siya ng maikling halik sa noo at sabihing, “Good night, Princess.”Ramdam ko ang unti-unting lumalayo ang loob niya sa akin. Hindi niya iyon sinasabi nang diretso, pero nakikita ko sa mga kilos niya—mas nagtatagal siya sa kwarto, mas madalas siyang kasama ni Elise kaysa sa akin.At oo, kahit ayaw kong aminin, parang may parte sa akin na mas pinipiling malunod sa trabaho kaysa harapin ang gulo ng emosyon ko ngayon. Sa tuwing makikita ko si Elise, pilit kong iniisip na siya ang kailangan ko, pero sa gabi, bago ako pumikit… si Ca
Last Updated : 2025-08-26 Read more