Chapter 117 – Calista POVKinabukasan, nagising nanaman ako na tulog pa si Princess at Levi sa magkabilang gilid ko. Ang tahimik ng mukha ni Levi habang mahimbing siyang natutulog, at si Princess naman ay nakapikit pa rin, nakanganga ng bahagya, hawak-hawak ang kumot.Napangiti ako. Dahan-dahan akong tumayo, at bago pa tuluyang makaalis sa kama ay hinalikan ko muna sila pareho sa noo. “Good morning, loves,” mahina kong bulong kahit alam kong hindi nila maririnig.Bumaba na ako ng kwarto at agad kong naamoy ang amoy ng nilulutong bawang at itlog mula sa kusina.“Good morning, Ate Marcia,” bati ko habang papasok.“Ay, good morning, Cali! Ang aga mo ah,” sagot niya habang abala sa pag-gisa. “Hindi ka ba tinulugan nina Sir at Princess?”“Nakatulog din ako, Ate. Gusto ko lang gumising nang maaga para makatulong,” sabi ko at kinuha ang chopping board para maghiwa ng kamatis.“Hmm… ibang klase ka talaga, Cali. Alam mo, hindi ko alam kung paano magiging buhay ni Sir Levi at ni Princess kung w
Last Updated : 2025-08-09 Read more