Chapter 107 – “Anak ng Iniwan, Ina ng Nasaktan”Levi’s POVTahimik ang buong bahay. Kalalabas ko lang mula sa kwarto, hawak ang tasa ng kape—mainit, pero hindi sapat para iinitin ang nanlalamig kong pakiramdam.Pagbaba ko ng hagdan, nadatnan ko si Princess na nakaupo sa sofa, yakap-yakap ang stuffed toy na bigay ni Calista. Tulog pa dapat siya, pero halatang kanina pa gising.Tumabi ako sa kanya. “Hindi ka pa natutulog, baby?”Umiling siya. Hindi umiiyak, pero ramdam mong mabigat ang dibdib. Saka siya tumingin sa akin, at sa payak niyang boses, binitawan niya ang mga salitang halos nagpahinto sa tibok ng puso ko.“So the girl earlier is my biological mother,” bulong niya.“She’s the one who left me.”Hindi ako agad nakasagot. Kasi kahit gusto kong sabihing hindi totoo, kahit gusto kong protektahan siya mula sa bigat ng katotohanan… hindi ko pwedeng itago.Tumango ako, dahan-dahan. “Yes, anak. Si Elise ang tunay m
Huling Na-update : 2025-08-04 Magbasa pa