"Rinig ko yung sigawan nyo kahapon ah." Sabi ni Laurence habang nakaupo sa sofa dito sa kwarto ko, huminga ako ng malalim matapos maalala ang nangyari."Sorry, nag babasa ka ba kahapon? medyo nag ka sagutan lang." Pag hingi ko ng pasensya, baka naistorbo pa namin ang pag t-trabaho nya, umiling naman sya bilang sagot."Nag babasa ako oo pero hindi ako nag t-trabaho, just doing some chichats while reading since free time kagabi." Sagot nya, mahina kong sinipa ang paa nya para asarin ulit sya."Chichats with? Claire? Ikaw ha, inlababo ka talaga don 'no? Saan mo nakilala? Kailan pa? Ano na status niyo? Anong buong pangalan para ma search ko sa facebook." Pangungulit ko sa kanya, inasikan nya lang ako bago mahinang tumawa."Puro ka naman kalokohan, Jade." Tinaasan ko sya ng kilay dahil don, agad akong tumabi sa kanya para madali ko syang mahahampas mamaya."Malamang, ngayon lang kita nakitang ganito 'no, pati deserve mong maging masaya Laurence, malapit na tayo mag 30 ano ka ba." Nakangiti
Terakhir Diperbarui : 2025-06-19 Baca selengkapnya